"Mahal, alis muna ako. Punta lang ako ulit sa bayan," paalam ni Damien habang hinahalikan nang mariin ang noo ni Andrea at ang maliit na noo ni Baby Bianca. Tuwing umaga, iyon ang laging binitiwan niyang salita. Sinasabi niyang may aasikasuhin lang, may bibilhin, o may pupuntahan para sa pag-aayos sa nalalapit ng kasal. Payag naman si Andrea at masaya pa nga ito at iniisip na masipag at maalaga ang lalaking mahal niya. At desidido talaga ito na pakasalan siya. Matyaga niyang tinitiis ang malayo at mahirap na biyahe papunta at pabalik ng bayan. Nakikipag-usap siya sa pari, sa mga taga-lokal, at inaayos ang lahat ng papeles at kagamitan. Gagawin niya ang lahat. Kahit nakakapagod, kahit mainit ang araw o maulan... basta maikasal sila sa lalong madaling panahon at masigurado na hindi na mapaghihiwalay ang kanilang pamilya. Gusto niyang maging legal, gusto niyang maging banal, at gusto niyang isuot ang singsing sa daliri ni Andrea bago pa man dumating ang mga taong gustong pumagi
Terakhir Diperbarui : 2026-04-13 Baca selengkapnya