Nereus' Point of View atHabang angkas ko sa motor si Islaine kanina, hindi ko maiwasang hindi ma-distract sa tuwing dumidikit ang dibdib niya sa aking likuran. Sa bawat dikit, nai-imagine ko ang laki at hulma nito, maging ang kalambutan ng mga ito. Bagamat ako ang may gustong humawak siya sa aking tagiliran, patago akong humihiling na sana ay hindi siya mapayakap sa akin.Patawarin nawa ako ng Diyos, pero baka hindi ko makontrol ang aking katawan sa magiging reaction nito sa yakap at pagdikit ng kaniyang dibdib. Ngunit naitawid namin ang paglilibot sa isla kanina at ngayon ay nakauwi na kami. Tapos na rin kaming maghapun at naghahanda na lang sa pagtulog. Si Islaine naman ay nasa banyo pa, nagha-half bath. Kahit papaano, nakakahinga ako nang maluwag dahil hindi na niya naging problema ang tubig.Napahiga na ako. Sinabihan ko na siya kaninang siya na lang ang magpatay ng ilaw dahil kailangan kong matulog nang maaga. Nakapatong ang isa kong kamay sa aking noo, habang nakapikit ang akin
Terakhir Diperbarui : 2025-12-04 Baca selengkapnya