Nang bumalik siya sa kasalukuyan ay tumiim ang labi ni Victoria. Gustuhin man niyang magalit ay pinili parin niyang maging kalmado. Kahit pa ang totoo ay ilang segundo nalang sasabog na siya. “Nasa hospital tayo kaya imposibleng wala silang blood bank sa lugar na ito.” Malamig niyang turan. Tila ba ngayon lang niya narealize na pwede naman pala siyang humindi. Na hindi sa lahat ng oras ay siya ang magbibigay lalo na kung nauubos na siya. Ang nag-aalangang mukha ni Ginang Madrigal ay napatingin sa kanya.”Pero…”Ngunit hindi na niya pinansin ang Ginang at nilingon si Jason.” Nilagay ko na sa desk mo ang resignation letter ko. Pirmahan mo nalang kapag nakabalik ka na sa kompanya o kaya magkaroon ka ng oras.”“What resignation letter?” kunot ang noong tanong nito sa kanya. Alam niyang hindi ito papayag na umalis siya pero buo na ang kanyang desisyon sa mga oras na iyon.“Kinakausap pa kita, Victoria, wala kang modo!” malakas na sambit ng ina ni Jason sa kanya. Nagagalit ito sa hindi niy
Last Updated : 2025-11-26 Read more