Share

KABANATA 4- BLOOD DONOR

Author: MS.OLIVIA
last update Last Updated: 2025-11-26 10:19:42

Sandaling natulala si Jason sa narinig mula kay Victoria.

Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa babae dahil sa loob ng limang taon ay ginagawa nito lahat ng kanyang sinasabi. Takot si Victoria sa karayom pero nagbibigay parin ito ng dugo para kay Sofia dahil gusto nitong mapasaya si Jason.

Akmang sasagot na ito pero naunahan it oni Sofia.

“Victoria.. Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ba akong mamatay?” parang batang umiiyak na ngayon si Sofia pero hindi nagpadala si Victoria sa mga luhang iyon.

Sa halip ay malamig siyang ngumiti at tumingin ng deretso sa mata ng dalawa.

“I am not giving you blood transfusion anymore. Kung gusto mo ng dugo ay maghanap ka ng ibang donor.”

Ang kaninang iyak ni Sofia ay mas lalong lumakas.

“Jason.. talagang gusto na akong mamatay ni Victoria.. Gusto na din niya akong ma ICU katabi ng mama ko.” Malakas nitong sabi habang humihikbi.

Ang nanay ng babae ay limang taon nang nasa ICU at hindi padin nagigising hanggang sa mga oras na iyon. Isa sa dahilan kaya iba ang trato ni Jason kay Sofia ay dahil sa guilt na nararamdaman  nito. At ginagamit naman iyon ng babae para sa sarili nitong kapakanan.

Si Jason ang dahilan kung bakit nakaratay ngayon sa hospital ang matanda dahil iniligtas nito si Jason sa isang rumaragasang truck limang taon na ang lumipas. Mas pinili nitong masagasaan ang sarili kesa kay Jason.

Nang marinig ng lalaki ang sinabi ni Sofia ay kumunot ang noo nito. Tila ba hindi nito nagustuhan ang lumabas sa bibig ng babae lalo na ang pagpa-paaalala sa ina nitong nakaratay sa ICU.

Napatitig siya sa mukha ng lalaki at sandalling umasa na sana.. sana kahit ngayon lang ay ipagtanggol siya ni Jason. Para lang maramdaman  niyang hindi nasayang ang mga efforts na ginawa niya noon para sa lalaki.

Pero bumagsak ang kanyang balikat nang bumuka ang bibig ni Jason para magsalita.

“Victoria.. Please just one more time.. Pangako ito na ang huli..” ang madilim nitong awra ay sumasalamin sa kanya.

Pero hindi siya nagpatinag. Ang maliit na pag-asa niya kanina ay awtomatikong naglaho na parang bula. Kailanman ay hindi siya pipiliin ni Jason kaya dapat ay hindi na siya umasa.

Sinalubong niya ang tingin ng lalaki at deretsong sumagot. “I told you.. I won`t give any blood transfusion to her anymore.” Napakurap ang lalaki at nag-iwas ng tingin.

Alam ni Victoria na nagtataka na ito dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Ganoon lang talaga siguro kapag nagising na sa katotohanan.

“Jason, nangako ka sa mama ko na aalagaan mo `ko diba? Kung ayaw na akong bigyan ng dugo ni Victoria ay mamamatay na ako!” histerikal na sabat ni Sofia na may luha pa rin sa mata.

Sa sobrang kapal ng mukha ng babae ay gusto niya itong saktan pero hindi niya ginawa. Dahil hindi naman talaga siya ganoon.

“Hindi kita hahayaang mamatay. Hananap tayo ng iba.” Sagot naman ni Jason sa babae na halatang kinakabahan na rin.

“Paano kung hindi ka agad makahanap? At bakit pa kailangang maghanap ng iba kung nandiyan naman si Victoria! Ilang beses na siyang nagsalin ng dugo sa akin at sobrang match ng dugo naming  dalawa.”Sagot nito kaya mas lalo siyang nakaramdam ng galit para sa babae.

Hindi nakasagot ang lalaki at tila hindi na alam ang gagawin.

“Kung hindi mo `to kayang gawan ng paraan isusumbong kita kay Tita!” ang tinutukoy nito ay ang in ani Jason na nasa hospital ding iyon.

Walang paalam itong tumakbo patungo sa ward habang umiiyak. Wala sa sariling napasunod silang dalawa ni Jason sa babae.

Pagdating sa ward ay kagigising lang ni Ginang Madrigal. At nang makita nitong umiiyak si Sofia ay agad nitong pinagalitan ang anak.

“Jason, anong ginawa mo kay Sofia? Ikaw naman Victoria, bigyan mo ng dugo si Sofia dahil hindi siya pwedeng mamatay!” malakas nitong turan sa kanya na para bang nag-uutos lang ito na magbigay siya ng pagkain.

Himinga ng malalim si Jason at tumingin sa ina nito.

“Ma, sinabi ko na sa kanya na hahanap nalang kami ng ibang donor.” Anito sa ina.

“Tita.. talagang wala na siyang pakialam sa akin..” hikbi ni Sofia dahilan upang umikot ang kanyang mata.

Ilang saglit pa ay nilingon siya ng matanda at nagmamakaawang humawak sa kanyang kamay.

“Victoria.. Please, bigyan mo pa ng dugo mo si Sofia, nagmamakaawa ako sa`yo.”

Sa pagkakataong iyon ay maliit siyang napangiti. Alam niyang ganito ang mangyayari.

Dati ay siya ang gusto ng ina nito para kay Jason. Lahat ng nais niya ay ginagawa ng ginang. Ito din ang nag-udyok anak na bigyan siya ngt pagkakataon.

Naalala niya noon, umuwi siyang late galing sa school at kasisimula lang niya sa koliheyo. May lalaking lasing ang humarang sa kanya buti nalang ay may isang lalaking payat at matangkad ang nagligtas sa kanya. Nakita niyang may sugat ang lalaki dahil sinaksak ito ng lalaking lasing. Pero nawalan na siya ng oras na kilalanin ang nagligtas sa kanya dahil nawalan na siya ng malay.

Ilang lingo mula nang mangyari ang ensidenteng iyon ay nakita niya sa Jason na may sugat sa dibdib na katulad ng lalaking nagligtas sa kanya kaya mula noon ay nagkagusto na siya sa lalaki. Naging obsessed siya sa lalaki kahit sobrang lamig ng pakikitungo nito sa kanya.

Kahit pa maraming nagsasabi na siya ang pinaka magandang babae sa law department nila noon ay wala siyang pakialam. Kinapalan niya ang mukha at siya pa ang nanligaw sa lalaki.

At noong dumating ang bakasyon ay nag booked siya ng ticket patungo sa lugar kung saan nakatira si Jason kahit hindi niya sigurado kung saan ang eksaktong bahay nito.

Galing si Victoria sa mayamang pamilya kaya kahit kailan ay hindi pa niya naranasang maghirap.

Nang makarating sa lugar kung saan nakatira si Jason ay nagtanong siya sa iilang kapitbahay.  Hindi niya alintana ang layo ng lugar na iyon kesa sa kinalakhan niya. Tila ba nasa malayong kabihasnan ang kanyang napuntahan.

At nang mahanap niya ito sa wakas ay nakita niyang nakaluhod ito sa lupa sa labas ng isang bahay kasama ang iilang tao.

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Jason! Ilang beses na naming sinabi na bawal kang umakyat sa bundok kapag gabi na dahil maraming ligaw na hayop! Hindi ka nakikinig!” rinig ni Victoria na turan ng isang babae.

“Baka nga ang mama mo ay nakasalubong na din ng ligaw na hayop! Tumawag na kami ng police para ipahanap siya kaya huwag kang matigas ang ulo!.” Sabat din ng katabi nitong babae

Doon na siya lumapit at nakialam.

Pinagtanggol pa niya ang lalaki kahit hindi naman Talaga niya alam ang buong pangyayari. Sinamahan pa niya ito sa bundok para hanapin ang ina nito. At kahit takot na takot siya noong mga panahong iyon ay hindi niya ininda ang takot dahil gusto niyang matulungan ang lalaki.

At sa ilang oras nilang paghahanap ay nakita nga nila ang ina ng lalaki. Sugatan ito at nahihirapan kaya pinagtulungan nilang dalawa na ibaba sa bundok ang ginang.

Mula noon palagi nang sinasabi ni Ginang Madrigal na huwag na siyang pakakawalan ng anak nito dahil bihira nalang daw ang katulad niya.

Pero ngayon ay marami nang nagbago. Ngayon ay nagmamakaawa na ito para magbigay siya ng dugo para sa ibang tao.

How ironic.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 5- HELP

    Nang bumalik siya sa kasalukuyan ay tumiim ang labi ni Victoria. Gustuhin man niyang magalit ay pinili parin niyang maging kalmado. Kahit pa ang totoo ay ilang segundo nalang sasabog na siya. “Nasa hospital tayo kaya imposibleng wala silang blood bank sa lugar na ito.” Malamig niyang turan. Tila ba ngayon lang niya narealize na pwede naman pala siyang humindi. Na hindi sa lahat ng oras ay siya ang magbibigay lalo na kung nauubos na siya. Ang nag-aalangang mukha ni Ginang Madrigal ay napatingin sa kanya.”Pero…”Ngunit hindi na niya pinansin ang Ginang at nilingon si Jason.” Nilagay ko na sa desk mo ang resignation letter ko. Pirmahan mo nalang kapag nakabalik ka na sa kompanya o kaya magkaroon ka ng oras.”“What resignation letter?” kunot ang noong tanong nito sa kanya. Alam niyang hindi ito papayag na umalis siya pero buo na ang kanyang desisyon sa mga oras na iyon.“Kinakausap pa kita, Victoria, wala kang modo!” malakas na sambit ng ina ni Jason sa kanya. Nagagalit ito sa hindi niy

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 4- BLOOD DONOR

    Sandaling natulala si Jason sa narinig mula kay Victoria.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa babae dahil sa loob ng limang taon ay ginagawa nito lahat ng kanyang sinasabi. Takot si Victoria sa karayom pero nagbibigay parin ito ng dugo para kay Sofia dahil gusto nitong mapasaya si Jason.Akmang sasagot na ito pero naunahan it oni Sofia.“Victoria.. Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ba akong mamatay?” parang batang umiiyak na ngayon si Sofia pero hindi nagpadala si Victoria sa mga luhang iyon.Sa halip ay malamig siyang ngumiti at tumingin ng deretso sa mata ng dalawa.“I am not giving you blood transfusion anymore. Kung gusto mo ng dugo ay maghanap ka ng ibang donor.”Ang kaninang iyak ni Sofia ay mas lalong lumakas.“Jason.. talagang gusto na akong mamatay ni Victoria.. Gusto na din niya akong ma ICU katabi ng mama ko.” Malakas nitong sabi habang humihikbi.Ang nanay ng babae ay limang taon nang nasa ICU at hindi padin nagigising hanggang sa mga oras na iyon. Isa sa dahil

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 3- LET HER DIE

    Himinga ng malalim si Victoria habang nakatingin sa bintana ng opisina. Naalala niya noon na ang Victoria Law firm ay isang maliit na opisina lamang nagsimula. Sa katunayan ay binenta niya ang kanyang bahay para pandagdag sa upa ng opisina.Pero ngayon ay sakop na nito ang buong floor ng building at pagmamay-ari na ng lalaki.Naaalala niya din dati na napagkasunduan nila ni Jason na ipangalan sa kanya ang Lawfirm. Sobrang saya pa niya ng mga araw na iyon at napatalon siya ng yakap sa lalaki kahit ilang beses na nitong sinabi na ayaw nitong magpahawak sa iba.Sinabi pa niya sa lalaki na tutulungan niya itong maging isang magaling na abogado balang araw. At ang sagot ng lalaki ay hindi raw iyon importante para rito dahil mas mahalaga daw ang maging masaya siya.Pero kahit ganoon ay tinupad niya parin ang pangakong iyon.Pero si Jason ay nagsinungaling lang sa kanya, kasabay niyon ay dinurog pa siya nito.Marami na ding sinakripisyo si Victoria sa kompanya. Maraming gabing puyat at pagod

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 2- CANCELLED

    As usual. Wala namang bago dahil prayoridad nito si Sofia kesa sa kanya. Isa pa ay alam ni Jason kung gaano niya ito kamahal.Na kahit anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Dahil bata palang ay pangarap na niyang maikasal sa lalaki.Habang papalabas ng venue si Jason ay napaisip ng malalim si Victoria. Iniwan siya nito sa gitna ng kanilang kasal! Siguro ay panahon na para gumising sa isang kahibangan.Ilang sandali pa ay pinahid ni Victoria ang luha sa kanyang mata at lumapit sa host para kunin ang microphone.“Today`s wedding is cancelled. Thank you and I`m sorry, everyone.” Walang buhay niyang bigkas sa lahat bago tumalikod at naglakad palabas sa lugar na iyon.Rinig niya ang bawat singhap ng mga bisita pero wala na siyang pakialam.Siguradong bukas ay laman na sila ng news sa bansa. Pagtatawanan at kukutyain siya ng mga tao pero nawalan na siya ng ganang isipin ang mga iyon.Mapait siyang napangiti. Pinili niya ang mahirap na lalaki kesa sa mga lalaking nasa mataas na an

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 1- WEDDING

    Kinakabahang napahawak si Victoria sa kanyang mahabang puting gown nang marinig ang sinabi ng isa sa kanilang mga bisita.“Sobrang engrande ng kasal na ito hindi ba? Pero hindi niyo ba narinig ang sabi-sabi? Magpapakamatay daw sa rooftop ang kababata ng groom na si Sofia!"Sa narinig ay tila napako si Victoria sa kinatatayuan. Heto na naman sila. Sa loob ng limang taon ay walang ibang ginawa ang kababata ng kanyang mapangangasawa na si Sofia ang subuking magpakamatay. At sa tuwina ay palaging nandoon si Jason upang aluin ang babae. Kasehodang iwan siya ng lalaki sa lahat ng pagkakataon.At ngayon nga ay araw na sana ng kanilang kasal. Ilang oras nalang ay magiging mag-asawa na sila ni Jason pero sa halip na kasiyahan ay tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib. Dahil sa loob ng limang taon ay para siyang kabit na iniiwan sa ere sa tuwing tumatawag ang kababata nito.Pero kahit na ganoon ay pinanghawakan niya ang sinabi ni Jason na iyon na ang huling pupuntahan nito an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status