LOGIN
Kinakabahang napahawak si Victoria sa kanyang mahabang puting gown nang marinig ang sinabi ng isa sa kanilang mga bisita.
“Sobrang engrande ng kasal na ito hindi ba? Pero hindi niyo ba narinig ang sabi-sabi? Magpapakamatay daw sa rooftop ang kababata ng groom na si Sofia!"
Sa narinig ay tila napako si Victoria sa kinatatayuan. Heto na naman sila. Sa loob ng limang taon ay walang ibang ginawa ang kababata ng kanyang mapangangasawa na si Sofia ang subuking magpakamatay. At sa tuwina ay palaging nandoon si Jason upang aluin ang babae. Kasehodang iwan siya ng lalaki sa lahat ng pagkakataon.
At ngayon nga ay araw na sana ng kanilang kasal. Ilang oras nalang ay magiging mag-asawa na sila ni Jason pero sa halip na kasiyahan ay tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib. Dahil sa loob ng limang taon ay para siyang kabit na iniiwan sa ere sa tuwing tumatawag ang kababata nito.
Pero kahit na ganoon ay pinanghawakan niya ang sinabi ni Jason na iyon na ang huling pupuntahan nito ang babae.
Napalingon siya sa balcony kung nasaan si Jason. Sa lugar na iyon mismo ay idadaos ang kanilang kasal at naghihintay nalang silang tawagin ng host para magsimula.
May kausap ito sa telepono kaya bahagya siyang lumapit para makinig.
“Kung gusto niyang mamatay, edi hayaan niyo siyang mamatay! Bakit pa kayo tumatawag sa `kin?”
Napalunok si Victoria sa narinig na sinabi ng lalaki.
“Tatalon siya sa building, really? Hindi niya pwedeng gawin yan! Ilang beses niya na ba akong tinakot na magpapakamatay siya? Ni hindi nga niya kayang makakakita ng dugo!”
Marami pa itong sinabi pero hindi na niya maintindihan ang iba. Mas tumatak sa kanya ang mga nauna niyang narinig.
Talaga bang hindi na nito pupuntahan si Sofia sa pagkakataong iyon? Talaga bang totohanin nito ang sinabi na hindi na siya nito iiwan sa tuwing tatawag ang kababata nito?
Sa pagkakataong iyon ay lumingon sa kanyang gawi si Jason dahilan upang magsalubong ang kanilang mga tingin.
“Bakit ka ganyan makatingin? Magsisimula na ang kasal natin, handa ka na ba?”
Pero kahit na ganoon ay hindi parin siya masaya. At hindi niya alam kung bakit.
Bata palang ay may gusto na siya kay Jason. Sa una ay simpleng paghanga lang hanggang sa nauwi sa malalim na damdamin.
Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit gusto niya itong pakasalan.
Pilit siyang ngumiti at marahang humawak sa braso ni Jason.
“Jason… Sa wakas ay magpapakasal na rin tayo..” mahina niyang sambit sa nobyo.
“Yes, I know..” tanging sagot lang nito. Walang ngiti kundi puro lamig ang makikita sa mata ng lalaki.
Hindi naman nagtagal ay tinawag na sila ng host sa kanilang kasal.
“Please welcome the bride and the groom to the stage!” puno ng galak na sabi ng host sa microphone.
Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Victoria at sabay sila ni Jason na naglakad patungo sa stage. Sinalubong pa sila ng host at bahagyang yumuko sa kanilang dalawa.
“Let us all congratu-
Hindi paman natatapos ang gustong sabihin ng host ay naputol na iyon dahil sa malakas na tunog ng telepono ni Jason na nasa loob ng suot nitong slacks.
Agad namula ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya at dagdagan pa ang tawanan ng mga tao sa paligid. Parang nanigas siya sa kinatatayuan. Ang ringtone na iyon ay na nagmistulang bangungot sa kanya ng limang taon. Ang ringtone na exclusibong tumutunog lang kapag si Sofia nag tumatawag.
Kinuha ni Jason ang telepono sa bulsa at nagsalita.
“Ano na naman?” may iritasyon sa boses ng lalaki.
Samantalang ang host ay gumawa ng paraan para mawala sa kanila ang atensyon ng mga tao. Siguradong nagtataka na din ito kung bakit may ganitong pangyayari sa oras mismo ng kasal.
Ngunit sa gitna ng pagsasalita ng host ay narinig niya ng klaro ang sinabi ni Jason sa kausap nito sa telepono.
“I`ll be right there..” anito,
Parang may sumaksak sa dibdib ni Victoria sa mga oras na iyon. Agad niyang nilingon si Jason sa nanginginig na labi.
“Don`t go.. Please..” mahina ngunit deretso niyang bigkas.
Pero bumagsak ang kanyang balikat nang kumunot ang noo ng lalaki. Para bang hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi.
“Kailangan kong puntahan si Sofia dahil tatalon na talaga siya sa building. Ikaw nang bahala ang magsabi sa mga bisita. Babalik ako.” Sabi pa nito na parang isang normal lang na araw ang kasal nila at hindi importante.
Bahagya pa niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ng lalaki. Sa kabila ng pagkapunit sa isang bahagi ng kanyang puso ay huminga siya ng malalim.
“Kapag umalis ka ay hindi na ako magpapakasal sa`yo.” Matigas niyang sambit.
Pero imbis na matinag ay bahagya pang tumaas ang sulok ng labi nito at mayabang na sumagot.
“You`ll regret it, Victoria. ” Pagkatapos ay iniwan siya ng lalaki. Iniwan siya sa gitna ng kahihiyan at sakit.
Nang bumalik siya sa kasalukuyan ay tumiim ang labi ni Victoria. Gustuhin man niyang magalit ay pinili parin niyang maging kalmado. Kahit pa ang totoo ay ilang segundo nalang sasabog na siya. “Nasa hospital tayo kaya imposibleng wala silang blood bank sa lugar na ito.” Malamig niyang turan. Tila ba ngayon lang niya narealize na pwede naman pala siyang humindi. Na hindi sa lahat ng oras ay siya ang magbibigay lalo na kung nauubos na siya. Ang nag-aalangang mukha ni Ginang Madrigal ay napatingin sa kanya.”Pero…”Ngunit hindi na niya pinansin ang Ginang at nilingon si Jason.” Nilagay ko na sa desk mo ang resignation letter ko. Pirmahan mo nalang kapag nakabalik ka na sa kompanya o kaya magkaroon ka ng oras.”“What resignation letter?” kunot ang noong tanong nito sa kanya. Alam niyang hindi ito papayag na umalis siya pero buo na ang kanyang desisyon sa mga oras na iyon.“Kinakausap pa kita, Victoria, wala kang modo!” malakas na sambit ng ina ni Jason sa kanya. Nagagalit ito sa hindi niy
Sandaling natulala si Jason sa narinig mula kay Victoria.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa babae dahil sa loob ng limang taon ay ginagawa nito lahat ng kanyang sinasabi. Takot si Victoria sa karayom pero nagbibigay parin ito ng dugo para kay Sofia dahil gusto nitong mapasaya si Jason.Akmang sasagot na ito pero naunahan it oni Sofia.“Victoria.. Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ba akong mamatay?” parang batang umiiyak na ngayon si Sofia pero hindi nagpadala si Victoria sa mga luhang iyon.Sa halip ay malamig siyang ngumiti at tumingin ng deretso sa mata ng dalawa.“I am not giving you blood transfusion anymore. Kung gusto mo ng dugo ay maghanap ka ng ibang donor.”Ang kaninang iyak ni Sofia ay mas lalong lumakas.“Jason.. talagang gusto na akong mamatay ni Victoria.. Gusto na din niya akong ma ICU katabi ng mama ko.” Malakas nitong sabi habang humihikbi.Ang nanay ng babae ay limang taon nang nasa ICU at hindi padin nagigising hanggang sa mga oras na iyon. Isa sa dahil
Himinga ng malalim si Victoria habang nakatingin sa bintana ng opisina. Naalala niya noon na ang Victoria Law firm ay isang maliit na opisina lamang nagsimula. Sa katunayan ay binenta niya ang kanyang bahay para pandagdag sa upa ng opisina.Pero ngayon ay sakop na nito ang buong floor ng building at pagmamay-ari na ng lalaki.Naaalala niya din dati na napagkasunduan nila ni Jason na ipangalan sa kanya ang Lawfirm. Sobrang saya pa niya ng mga araw na iyon at napatalon siya ng yakap sa lalaki kahit ilang beses na nitong sinabi na ayaw nitong magpahawak sa iba.Sinabi pa niya sa lalaki na tutulungan niya itong maging isang magaling na abogado balang araw. At ang sagot ng lalaki ay hindi raw iyon importante para rito dahil mas mahalaga daw ang maging masaya siya.Pero kahit ganoon ay tinupad niya parin ang pangakong iyon.Pero si Jason ay nagsinungaling lang sa kanya, kasabay niyon ay dinurog pa siya nito.Marami na ding sinakripisyo si Victoria sa kompanya. Maraming gabing puyat at pagod
As usual. Wala namang bago dahil prayoridad nito si Sofia kesa sa kanya. Isa pa ay alam ni Jason kung gaano niya ito kamahal.Na kahit anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Dahil bata palang ay pangarap na niyang maikasal sa lalaki.Habang papalabas ng venue si Jason ay napaisip ng malalim si Victoria. Iniwan siya nito sa gitna ng kanilang kasal! Siguro ay panahon na para gumising sa isang kahibangan.Ilang sandali pa ay pinahid ni Victoria ang luha sa kanyang mata at lumapit sa host para kunin ang microphone.“Today`s wedding is cancelled. Thank you and I`m sorry, everyone.” Walang buhay niyang bigkas sa lahat bago tumalikod at naglakad palabas sa lugar na iyon.Rinig niya ang bawat singhap ng mga bisita pero wala na siyang pakialam.Siguradong bukas ay laman na sila ng news sa bansa. Pagtatawanan at kukutyain siya ng mga tao pero nawalan na siya ng ganang isipin ang mga iyon.Mapait siyang napangiti. Pinili niya ang mahirap na lalaki kesa sa mga lalaking nasa mataas na an
Kinakabahang napahawak si Victoria sa kanyang mahabang puting gown nang marinig ang sinabi ng isa sa kanilang mga bisita.“Sobrang engrande ng kasal na ito hindi ba? Pero hindi niyo ba narinig ang sabi-sabi? Magpapakamatay daw sa rooftop ang kababata ng groom na si Sofia!"Sa narinig ay tila napako si Victoria sa kinatatayuan. Heto na naman sila. Sa loob ng limang taon ay walang ibang ginawa ang kababata ng kanyang mapangangasawa na si Sofia ang subuking magpakamatay. At sa tuwina ay palaging nandoon si Jason upang aluin ang babae. Kasehodang iwan siya ng lalaki sa lahat ng pagkakataon.At ngayon nga ay araw na sana ng kanilang kasal. Ilang oras nalang ay magiging mag-asawa na sila ni Jason pero sa halip na kasiyahan ay tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib. Dahil sa loob ng limang taon ay para siyang kabit na iniiwan sa ere sa tuwing tumatawag ang kababata nito.Pero kahit na ganoon ay pinanghawakan niya ang sinabi ni Jason na iyon na ang huling pupuntahan nito an







