Share

KABANATA 2- CANCELLED

Author: MS.OLIVIA
last update Huling Na-update: 2025-11-26 10:13:02

As usual. Wala namang bago dahil prayoridad nito si Sofia kesa sa kanya. Isa pa ay alam ni Jason kung gaano niya ito kamahal.

Na kahit anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Dahil bata palang ay pangarap na niyang maikasal sa lalaki.

Habang papalabas ng venue si Jason ay napaisip ng malalim si Victoria. Iniwan siya nito sa gitna ng kanilang kasal! Siguro ay panahon na para gumising sa isang kahibangan.

Ilang sandali pa ay pinahid ni Victoria ang luha sa kanyang mata at lumapit sa host para kunin ang microphone.

“Today`s wedding is cancelled. Thank you and I`m sorry, everyone.” Walang buhay niyang bigkas sa lahat bago tumalikod at naglakad palabas sa lugar na iyon.

Rinig niya ang bawat singhap ng mga bisita pero wala na siyang pakialam.

Siguradong bukas ay laman na sila ng news sa bansa. Pagtatawanan at kukutyain siya ng mga tao pero nawalan na siya ng ganang isipin ang mga iyon.

Mapait siyang napangiti. Pinili niya ang mahirap na lalaki kesa sa mga lalaking nasa mataas na antas pero heto siya at iniwan parin sa araw pa mismo ng kanyang kasal.

Hindi niya alam kung saan siya patungo pero nakita nalang niya ang sarili sa Condo kung saan nakatira si Sofia. Kita pa ng dalawang mata niya kung paano maingat na ihiga ni Jason ang babae sa kama nito.

Muling tumulo ang kanyang luha sabay ng hikbi kaya napatingin sa kanya ang lalaki.

“Jason.. Bakit mo ako iniwan? Diba pangako natin sa isa`t-isa ay hindi tayo maghihiwalay?” humihikbi niyang sambit.

“Itigil mo nga iyan Victoria! Alam mong kailangan ako ni Sofia, diba?” malamig din nitong sagot na mas lalong dumurog sa kanya.

Parang nagpira-piraso ang kanyang puso nang makitang hawak ni Sofia ang mukha ni Jason. Samantalang noon ay ayaw nitong pahawakan ang mukha sa ibang tao kahit pa siya mismo.

Noon ang buong akala niya ay kaya malamig at masyadong distansya si Jason sa ibang tao ay dahil ganoon ito lumaki. Pero habang nakikita niya kung gaano ito kalapit kay Sofia ay parang sampal iyon sa kanyang mukha.

Talagang marunong itong magpakita ng emosyon, hindi lang talaga para sa kanya kundi para lang sa kababata nito. Napangiti siya habang may masaganang luha sa mga mata.

Sa loob ng limang taon, ano ba talaga siya sa buhay ni Jason?

Wala. Dahil isa lang siyang palamuti para pagandahin ang buhay nito.

Panahon na para magising siya sa katotohanang iyon.

Walang salita siyang tumalikod at bumalik sa lounge para hubarin ang wedding dress. Pinalitan niya iyon ng normal na damit at nagpunta sa Lawfirm kung saan siya nagta-trabaho.

Nang makita siya ng mga katrabaho ay bigla tumahimik ang buong paligid. Alam niyang umabot na hanggang dito ang balita pero wala siyang pakialam. Dati pa naman ay makapal na ang kanyang mukha. Niligawan nga niya si Jason Madrigal noon na isang law student kahit pa ginawa na siyang katatawanan ng iba.

Talagang pursigido siya noon na mapansin ni Jason. Ginawa niyang desperada ang sarili kahit marami namang lalaki ang nagkakagusto sa kanya na nasa mataas ang antas ng buhay. Pero ngayon ay na-realized niyang hindi siya kailanman magugustuhan ng lalaki. Hindi nito kailanman pinapahalagahan ang lahat ng ginawa niya para dito.

Walang pakialam na lumakad siya patungo sa kanyang cubicle at nagsulat ng resignation letter. Pagkatapos ay nilagay niya sa desk ni Jason.

Akmang aalis na siya nang biglang tumunog ang kanyang telepono. It was Jason.

“Bakit mo kinancel ang kasal, Victoria? Bakit hindi mo muna sinabi sa akin? Alam mo bang hindi magiging maganda ang epekto nito sa Lawfirm? ” bungad nito sa kabilang linya.

“At anong gusto mong gawin ko? Are we going to let the guest sit in the venue while waiting for you to come back as a hero?” matigas niyang turan.

Samantala, ay hindi agad nakasagot si Jason sa kabilang linya. Hindi nito inaasahang sasagot si Victoria ng ganoon sa kanya. Siguro ay dahil nasanay ang lalaki na lagi siyang nakangiti sa kahit anong problema. Tanggap lang siya ng tanggap kahit nasasaktan na siya.

“Oo na, kasalanan ko.. Dahil hindi ako nag-isip bago nagdesisyong umalis kanina.” Narinig niyang sagot ng lalaki kapagkuwan.

Mapait siyang napangiti. Sa sobrang tanga niya ay ngayon lang niya na realize kung paano siya kadaling amuhin ni Jason noon. Isang salita ng lalaki ay agad siyang naniniwala.  Talagang wala na siyang itinira para sa sarili.

Napatingin siya sa kanyang resignation letter at huminga ng malalim.

“Jason, may resignation letter..” ngunit bago paman niya matapos ang sasabihin ay narinig na niya ang boses ni Sofia sa background.

“Jason sobrang sakit ng likod ko, masahiin mo` ko please..” malambing nitong sabi dahilan upang makagat niya ang kanyang labI sa pagpigil na lumuha ulit.

“I`m busy now. Let`s talk later.” Ani ng lalaki sa kabilang linya bago walang paalam na pinatay ang tawag.

Tanging ang tunog ng busy ringtone nalang ang kanyang naririnig mula sa hawak na telepono.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 5- HELP

    Nang bumalik siya sa kasalukuyan ay tumiim ang labi ni Victoria. Gustuhin man niyang magalit ay pinili parin niyang maging kalmado. Kahit pa ang totoo ay ilang segundo nalang sasabog na siya. “Nasa hospital tayo kaya imposibleng wala silang blood bank sa lugar na ito.” Malamig niyang turan. Tila ba ngayon lang niya narealize na pwede naman pala siyang humindi. Na hindi sa lahat ng oras ay siya ang magbibigay lalo na kung nauubos na siya. Ang nag-aalangang mukha ni Ginang Madrigal ay napatingin sa kanya.”Pero…”Ngunit hindi na niya pinansin ang Ginang at nilingon si Jason.” Nilagay ko na sa desk mo ang resignation letter ko. Pirmahan mo nalang kapag nakabalik ka na sa kompanya o kaya magkaroon ka ng oras.”“What resignation letter?” kunot ang noong tanong nito sa kanya. Alam niyang hindi ito papayag na umalis siya pero buo na ang kanyang desisyon sa mga oras na iyon.“Kinakausap pa kita, Victoria, wala kang modo!” malakas na sambit ng ina ni Jason sa kanya. Nagagalit ito sa hindi niy

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 4- BLOOD DONOR

    Sandaling natulala si Jason sa narinig mula kay Victoria.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa babae dahil sa loob ng limang taon ay ginagawa nito lahat ng kanyang sinasabi. Takot si Victoria sa karayom pero nagbibigay parin ito ng dugo para kay Sofia dahil gusto nitong mapasaya si Jason.Akmang sasagot na ito pero naunahan it oni Sofia.“Victoria.. Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ba akong mamatay?” parang batang umiiyak na ngayon si Sofia pero hindi nagpadala si Victoria sa mga luhang iyon.Sa halip ay malamig siyang ngumiti at tumingin ng deretso sa mata ng dalawa.“I am not giving you blood transfusion anymore. Kung gusto mo ng dugo ay maghanap ka ng ibang donor.”Ang kaninang iyak ni Sofia ay mas lalong lumakas.“Jason.. talagang gusto na akong mamatay ni Victoria.. Gusto na din niya akong ma ICU katabi ng mama ko.” Malakas nitong sabi habang humihikbi.Ang nanay ng babae ay limang taon nang nasa ICU at hindi padin nagigising hanggang sa mga oras na iyon. Isa sa dahil

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 3- LET HER DIE

    Himinga ng malalim si Victoria habang nakatingin sa bintana ng opisina. Naalala niya noon na ang Victoria Law firm ay isang maliit na opisina lamang nagsimula. Sa katunayan ay binenta niya ang kanyang bahay para pandagdag sa upa ng opisina.Pero ngayon ay sakop na nito ang buong floor ng building at pagmamay-ari na ng lalaki.Naaalala niya din dati na napagkasunduan nila ni Jason na ipangalan sa kanya ang Lawfirm. Sobrang saya pa niya ng mga araw na iyon at napatalon siya ng yakap sa lalaki kahit ilang beses na nitong sinabi na ayaw nitong magpahawak sa iba.Sinabi pa niya sa lalaki na tutulungan niya itong maging isang magaling na abogado balang araw. At ang sagot ng lalaki ay hindi raw iyon importante para rito dahil mas mahalaga daw ang maging masaya siya.Pero kahit ganoon ay tinupad niya parin ang pangakong iyon.Pero si Jason ay nagsinungaling lang sa kanya, kasabay niyon ay dinurog pa siya nito.Marami na ding sinakripisyo si Victoria sa kompanya. Maraming gabing puyat at pagod

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 2- CANCELLED

    As usual. Wala namang bago dahil prayoridad nito si Sofia kesa sa kanya. Isa pa ay alam ni Jason kung gaano niya ito kamahal.Na kahit anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Dahil bata palang ay pangarap na niyang maikasal sa lalaki.Habang papalabas ng venue si Jason ay napaisip ng malalim si Victoria. Iniwan siya nito sa gitna ng kanilang kasal! Siguro ay panahon na para gumising sa isang kahibangan.Ilang sandali pa ay pinahid ni Victoria ang luha sa kanyang mata at lumapit sa host para kunin ang microphone.“Today`s wedding is cancelled. Thank you and I`m sorry, everyone.” Walang buhay niyang bigkas sa lahat bago tumalikod at naglakad palabas sa lugar na iyon.Rinig niya ang bawat singhap ng mga bisita pero wala na siyang pakialam.Siguradong bukas ay laman na sila ng news sa bansa. Pagtatawanan at kukutyain siya ng mga tao pero nawalan na siya ng ganang isipin ang mga iyon.Mapait siyang napangiti. Pinili niya ang mahirap na lalaki kesa sa mga lalaking nasa mataas na an

  • Obsessed by the Cruel Billionaire   KABANATA 1- WEDDING

    Kinakabahang napahawak si Victoria sa kanyang mahabang puting gown nang marinig ang sinabi ng isa sa kanilang mga bisita.“Sobrang engrande ng kasal na ito hindi ba? Pero hindi niyo ba narinig ang sabi-sabi? Magpapakamatay daw sa rooftop ang kababata ng groom na si Sofia!"Sa narinig ay tila napako si Victoria sa kinatatayuan. Heto na naman sila. Sa loob ng limang taon ay walang ibang ginawa ang kababata ng kanyang mapangangasawa na si Sofia ang subuking magpakamatay. At sa tuwina ay palaging nandoon si Jason upang aluin ang babae. Kasehodang iwan siya ng lalaki sa lahat ng pagkakataon.At ngayon nga ay araw na sana ng kanilang kasal. Ilang oras nalang ay magiging mag-asawa na sila ni Jason pero sa halip na kasiyahan ay tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib. Dahil sa loob ng limang taon ay para siyang kabit na iniiwan sa ere sa tuwing tumatawag ang kababata nito.Pero kahit na ganoon ay pinanghawakan niya ang sinabi ni Jason na iyon na ang huling pupuntahan nito an

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status