LOGINHiminga ng malalim si Victoria habang nakatingin sa bintana ng opisina. Naalala niya noon na ang Victoria Law firm ay isang maliit na opisina lamang nagsimula. Sa katunayan ay binenta niya ang kanyang bahay para pandagdag sa upa ng opisina.
Pero ngayon ay sakop na nito ang buong floor ng building at pagmamay-ari na ng lalaki.
Naaalala niya din dati na napagkasunduan nila ni Jason na ipangalan sa kanya ang Lawfirm. Sobrang saya pa niya ng mga araw na iyon at napatalon siya ng yakap sa lalaki kahit ilang beses na nitong sinabi na ayaw nitong magpahawak sa iba.
Sinabi pa niya sa lalaki na tutulungan niya itong maging isang magaling na abogado balang araw. At ang sagot ng lalaki ay hindi raw iyon importante para rito dahil mas mahalaga daw ang maging masaya siya.
Pero kahit ganoon ay tinupad niya parin ang pangakong iyon.
Pero si Jason ay nagsinungaling lang sa kanya, kasabay niyon ay dinurog pa siya nito.
Marami na ding sinakripisyo si Victoria sa kompanya. Maraming gabing puyat at pagod siya para tapusin ang lahat ng trabaho. Kahit pa si Jason ang tumatayong may-ari ay siya parin ang nasa likod ng lahat ng iyon.
Habang nag-iimpaki ng mga gamit ay nakatingin ang lahat ng empleyado kay Victoria. Base sa mga tingin ng mga ito ay alam na nito ang nangyari sa kasal niya. Pero dahil boss si Jason ay walang kahit sino ang nagsalita tungkol sa nangyari kung ayaw ng mga itong mawalan ng trabaho.
Patapos na siya sa paag-iimpaki nang muling tumunog ang kanyang telepono.
It was Jason`s mother calling. Tinikom niya ang bibig bago sinagot.
“Hello? Victoria, ikaw ba iyan?” anang tunog sa kabilang linya na kilala niya. Ang caregiver ng nanay ni Jason na si ate Moneth.
“Hindi kasi namin makontak si Sir Jason. Sinugod si Ginang Madrigal sa hospital. Pwede bang ikaw nalang ang pumunta?”
Sa narinig ay pinikit niya ng mariin ang mata bago sumagot.
“Papunta na ako.”
Nang makarating sa hospital ay nakita niya ang ina ni Jason na kumakain ng apple na binabalatan ng caregiver nito.
Nang nmakita siya nito papasok sa pinto ay agad itong nagalit at agad siyang pinagalitan.
“Victoria! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Jason at bakit mo kinansela ang kasal?! Alam mo bang nakakahiya ang ginawa mo?”
Napalunok si Victoria. Base sa nakikita niyang galit sa mata ng matanda ay alam niyang hindi naman seryoso ang lagay nito sa mga oras na iyon. Talagang galit na galit ito dahil sap ag cancel niya ng kasal nila.
“Huminahon po kayo, tita..” kalmado niyang turan sa matanda sa kabila ng galit sa mukha nito.
“Paano ako hindi magagalit? Hinayaan mo ang anak ko na gumawa ng bagay na ikahihiya niya sa lahat. Bakit hindi mo man lang pinigilan?”
“Kasi po tatalon si Sofia sa building sa oras din ng kasal namin.” Mahina niyang paliwanag.
“Ano? May nangyaring masama kay Sofia?” ang boses nitong galit kanina ay napalitan ng pag-aaalala.
“Wala pong nangyari sa kanya at nadala na din siya ni Jason agad sa hospital.” Aniya na pinipilit gawing kaswal ang tono ng boses.
“Mabuti naman kung ganoon.” Nakahinga pang sambit ng matanda.
Pagkatapos nitong malaman ang lahat ay kalmado na ang ginang at inutusan pa siyang ayusin ang lahat at siguraduhing huwag daw ipapahiya ang anak nito.
Nang makatulog ito ay kinausap siya ng caregiver na si ate Moneth.
“ Victoria, ako na ang bahala dito, pasensya ka na sa abala ha.” Nahihiya nitong turan sa kanya.
Tumango lang siya at maliit na ngumiti.” Sa susunod kapag may nangyari ay huwag mo na akong tawagan, ate.” Aniya na ikinagulat nito.
“Sana ay huwag kang magalit, Victoria. Nag-aaalala lang iyon kay Sofia dahil halos anak na ang turing niya sa batang iyon. Pero alam ko na ikaw parin ang gusto niya para sa kanyang anak.”
Napangiti siya ng mapait at hinaplos ang balikat ni Ate Moneth.
“Hindi naman ako galit sa`yo ate. Hiwalay na kami ni Jason simula ngayon kaya kapag may kailangan ka tungkol kay tita ay si Jason ang deretso mong tawagan.”
Hindi na niya hinintay ang sagot ni ate Moneth at agad nang tumalikod.
At habang naglalakad siya sa hallway ng hospital ay nakita pa niya hindi kalayuan si Jason at Sofia. Magkahawak kamay ang dalawa.
Kumunot pa ang noo ng lalaki nang makita siya.
“Bakit hindi mo pa inaasikaso ang lahat? Total ikaw naman ang nag cancel ng kasal, sana ipinaliwanag mo! Lahat sila ay tumatawag sa akin at nakakarindi na.” anito sa galit na boses.
Talagang maid lang ang halaga niya sa buhay nito para maglinis ng mga kalat. Hindi talaga siya mahal ng lalaki. Napilitan lang ito sa kanya dahil sa kakulitan niya.
Pero ngayon ay kailangan na iyong matapos.
“Victoria, patawarin mo ako kung hindi natuloy ang kasal ninyo dahil sa akin.” Napalingon siya sa boses ni Sofia. Mahinhin, parang hindi kayang bumasag ng baso.
Pero kahit na ganoon ay walang sinseridad sa boses nito. Lumapit pa ito kay Jason at malambing na yumakap sa braso ng lalaki.
“Oh, Jason ha.. Humingi na ako ng tawad kay Victoria, sana hindi kana magalit sa`kin.”
“Humm..” tanging sagot lang ni Jason. Pagkatapos ay tumingin sa kanya si Sofia na parang nang-iinggit.
Malamig naman niyang tinapunan ng tingin ang babae.
She knew that Sofia often used these low-class tricks. Siguro kung hindi pa siya nagising tulad ng dati ay kakausapin niya si Sofia para pagsabihan pero ngayon ay talagang wala na siyang pakialam.
“Kailangan ko nang umalis dahil magliligpit pa ako ng mga gamit ko.” Aniya at akmang tatalikod na pero tinawag siya ng lalaki.
“Teka lang, Victoria..”
Pero bago pa nito madugtungan ang gustong sabihin ay bigla nalang nanghina si Sofia sa balikat nito.
“What`s wrong?”
“Oh.. Jason, sobrang sakit ng ulo ko, nahihilo ako.. Mukhang kailangan ko na ulit magpasalin ng dugo dahil matagal na akong hindi nasasalinan..”
Sofia was suffering from congenital hematopoietic disorder kaya sinasalinan ito ng dugo kapag kailangan. She has the extremely rare RH-negative type of blood na katulad ng kanya.
Naalala niya noong bata siya ay nagpresinta siyang magdonate ng dugo para kay Sofia sapag-aakalang pinsan ito ni Jason. Pero nang tumagal ay ginagawa na niya iyon upang mapasaya ang lalaki.
Ganoon siya katanga. Sa mga oras na iyon ay gusto niyang pagtawanan ang sarili. Hindi lang pala maid ang halaga niya kay Jason kundi isang blood bank para sa kababata nito.
Nang bumaling sa kanya si Jason ay napatiim ang kanyang labi.
“Victoria, maghanda ka na dahil kailangan nang salinan ngayon ng dugo ni Sofia.
“Ayoko!” matigas niyang tanggi.
“Kapag hindi siya nasalinan ng dugo ay pwede siyang mamatay.” Tumiim ang bagang ng lalaki.
“Then let her die.”
Nang bumalik siya sa kasalukuyan ay tumiim ang labi ni Victoria. Gustuhin man niyang magalit ay pinili parin niyang maging kalmado. Kahit pa ang totoo ay ilang segundo nalang sasabog na siya. “Nasa hospital tayo kaya imposibleng wala silang blood bank sa lugar na ito.” Malamig niyang turan. Tila ba ngayon lang niya narealize na pwede naman pala siyang humindi. Na hindi sa lahat ng oras ay siya ang magbibigay lalo na kung nauubos na siya. Ang nag-aalangang mukha ni Ginang Madrigal ay napatingin sa kanya.”Pero…”Ngunit hindi na niya pinansin ang Ginang at nilingon si Jason.” Nilagay ko na sa desk mo ang resignation letter ko. Pirmahan mo nalang kapag nakabalik ka na sa kompanya o kaya magkaroon ka ng oras.”“What resignation letter?” kunot ang noong tanong nito sa kanya. Alam niyang hindi ito papayag na umalis siya pero buo na ang kanyang desisyon sa mga oras na iyon.“Kinakausap pa kita, Victoria, wala kang modo!” malakas na sambit ng ina ni Jason sa kanya. Nagagalit ito sa hindi niy
Sandaling natulala si Jason sa narinig mula kay Victoria.Hindi niya akalaing maririnig niya iyon mula sa babae dahil sa loob ng limang taon ay ginagawa nito lahat ng kanyang sinasabi. Takot si Victoria sa karayom pero nagbibigay parin ito ng dugo para kay Sofia dahil gusto nitong mapasaya si Jason.Akmang sasagot na ito pero naunahan it oni Sofia.“Victoria.. Anong ibig mong sabihin? Gusto mo ba akong mamatay?” parang batang umiiyak na ngayon si Sofia pero hindi nagpadala si Victoria sa mga luhang iyon.Sa halip ay malamig siyang ngumiti at tumingin ng deretso sa mata ng dalawa.“I am not giving you blood transfusion anymore. Kung gusto mo ng dugo ay maghanap ka ng ibang donor.”Ang kaninang iyak ni Sofia ay mas lalong lumakas.“Jason.. talagang gusto na akong mamatay ni Victoria.. Gusto na din niya akong ma ICU katabi ng mama ko.” Malakas nitong sabi habang humihikbi.Ang nanay ng babae ay limang taon nang nasa ICU at hindi padin nagigising hanggang sa mga oras na iyon. Isa sa dahil
Himinga ng malalim si Victoria habang nakatingin sa bintana ng opisina. Naalala niya noon na ang Victoria Law firm ay isang maliit na opisina lamang nagsimula. Sa katunayan ay binenta niya ang kanyang bahay para pandagdag sa upa ng opisina.Pero ngayon ay sakop na nito ang buong floor ng building at pagmamay-ari na ng lalaki.Naaalala niya din dati na napagkasunduan nila ni Jason na ipangalan sa kanya ang Lawfirm. Sobrang saya pa niya ng mga araw na iyon at napatalon siya ng yakap sa lalaki kahit ilang beses na nitong sinabi na ayaw nitong magpahawak sa iba.Sinabi pa niya sa lalaki na tutulungan niya itong maging isang magaling na abogado balang araw. At ang sagot ng lalaki ay hindi raw iyon importante para rito dahil mas mahalaga daw ang maging masaya siya.Pero kahit ganoon ay tinupad niya parin ang pangakong iyon.Pero si Jason ay nagsinungaling lang sa kanya, kasabay niyon ay dinurog pa siya nito.Marami na ding sinakripisyo si Victoria sa kompanya. Maraming gabing puyat at pagod
As usual. Wala namang bago dahil prayoridad nito si Sofia kesa sa kanya. Isa pa ay alam ni Jason kung gaano niya ito kamahal.Na kahit anong mangyari ay hindi siya aalis sa tabi nito. Dahil bata palang ay pangarap na niyang maikasal sa lalaki.Habang papalabas ng venue si Jason ay napaisip ng malalim si Victoria. Iniwan siya nito sa gitna ng kanilang kasal! Siguro ay panahon na para gumising sa isang kahibangan.Ilang sandali pa ay pinahid ni Victoria ang luha sa kanyang mata at lumapit sa host para kunin ang microphone.“Today`s wedding is cancelled. Thank you and I`m sorry, everyone.” Walang buhay niyang bigkas sa lahat bago tumalikod at naglakad palabas sa lugar na iyon.Rinig niya ang bawat singhap ng mga bisita pero wala na siyang pakialam.Siguradong bukas ay laman na sila ng news sa bansa. Pagtatawanan at kukutyain siya ng mga tao pero nawalan na siya ng ganang isipin ang mga iyon.Mapait siyang napangiti. Pinili niya ang mahirap na lalaki kesa sa mga lalaking nasa mataas na an
Kinakabahang napahawak si Victoria sa kanyang mahabang puting gown nang marinig ang sinabi ng isa sa kanilang mga bisita.“Sobrang engrande ng kasal na ito hindi ba? Pero hindi niyo ba narinig ang sabi-sabi? Magpapakamatay daw sa rooftop ang kababata ng groom na si Sofia!"Sa narinig ay tila napako si Victoria sa kinatatayuan. Heto na naman sila. Sa loob ng limang taon ay walang ibang ginawa ang kababata ng kanyang mapangangasawa na si Sofia ang subuking magpakamatay. At sa tuwina ay palaging nandoon si Jason upang aluin ang babae. Kasehodang iwan siya ng lalaki sa lahat ng pagkakataon.At ngayon nga ay araw na sana ng kanilang kasal. Ilang oras nalang ay magiging mag-asawa na sila ni Jason pero sa halip na kasiyahan ay tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kanyang dibdib. Dahil sa loob ng limang taon ay para siyang kabit na iniiwan sa ere sa tuwing tumatawag ang kababata nito.Pero kahit na ganoon ay pinanghawakan niya ang sinabi ni Jason na iyon na ang huling pupuntahan nito an







