“Bambi, anak, magdadalawang taon na ng huli ka nakauwi sa probinsya. Na-miss ka na namin ng papa mo. Hindi ba talaga pwede na mag-apply ka ng leave at magpahinga na muna dito? Wala ka ng ibang gagastusan, bayad na ang lahat ng utang at gawa na ang bahay. Ipahinga mo ang katawaan mo sa pagtratrabaho. Nag-aalala na kami ng papa mo sa iyo.”Sunod-sunod na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Bambi ng mabasa ang mensahe ng ina. Matagal-tagal na rin mula ng makauwi siya at makasama ang magulang pero ganon na ata talaga. Kung nag-umpisa ka na magtrabaho sa malayong lugar, malabo at madalang pa sa madalang na makauwi sa lugar na kinalikihan.Katulad ng mga taong nagkipagsapalaran sa syudad, na pinili luuwas para makatulong sa pamilya pero sa huli nawala na lang ang mahal sa buhay ay hindi na nakabalik pa sa lugar na sinilangan. Maraming kababayan ang lumuwas ng bansa, nangako na apat na lang magtratrabaho sa ibang bansa pero tumagal na nang dalawang dekada na limitado lang ang oras s
Huling Na-update : 2026-02-07 Magbasa pa