“Sinabihan ko na si Shei na magdala ng medic dito pero mukhang sa kalagayan mo, hindi ka na makakapaglaro.” “Hindi ka lang naging isang tulunan, nagmukha ka pang lampa sa harapan niya.” Iiing-iling na komento ni Denrik na siya naman dahilan kung bakit napahiya si Kayde sa harapan ng lahat.“Sino ba may kasalanan?” “Ikaw! Alangan kami. Sinabi namin na galingan at magpakitang gilas ka—Ginalingan mo naman, sa ibang bagay nga lang.” Denrik.Mariin niya ipinikit ang mga mata, pinahahaba ang pasensya na malapit na maubos sa tatlong kaharap. Bago pa sya makapagsalita, dumating na si Shei habang nasa likod nito ang mga medic na mabilis sinuri nag paa niya.“Sabihin niyo po kung masakit.” Tumahimik ang lahat, marahan na pinihit ang paa. Napangiwi siya ng maramdaman ang sakit. Tinigil ng medic ang ginagawa, inumisahan lagyan ng gamot at hindi nagtagal ay tumayo na ito. “Hindi ganon kalala ang kalagayan ng paa niyo, sir, pero kinakailangan pa rin na ipahinga ng ilang araw.”“Hindi ako pwedeng
Terakhir Diperbarui : 2026-02-07 Baca selengkapnya