LOGINNakauko siyang nagsalita, hindi pa rin niya kayang tingnan ito. Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Kieran.“No need... Aalis na rin ako.”Napatingin siya rito. Simple lang ang pagkakasabi nito, walang emosyon sa boses at iyon mismo ang lalong nagpabigat sa dibdib niya.Tahimik itong naglakad patungo sa pinto. Nang madaanan siya nito ay bahagya itong huminto. Akala niya ay may sasabihin ito, pero wala. Nagpatuloy lang si Kieran sa paglalakad, lumabas ito ng kuwarto nang hindi na muling lumingon sa kaniya.Naiwan siya na nakatayo roon. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may malamig na kamay na biglang pumiga sa kaniyang puso habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito.Gusto niya itong tawagin, gusto niyang habulin, gusto niyang sabihin….Ano ba ang sasabihin niya?... Kieran, hindi iyon ang iniisip mo… wala akong gusto kay Logan! Napakagat siya sa loob ng kaniyang pisngi. Bakit kailangan niyang magpaliwanag, wala naman silang relasyon. Matagal na silang tapos, wala siyan
Dahan-dahang nagbago ang ekspresyon ni Kieran. Mula sa pagtataka ay unti-unting umangat ang isang sulok ng mga labi nito, hanggang sa tuluyan itong ngumiti… isang mabagal at mapanuksong ngiti.“Are you jealous, Niks?”Biglang nag-init ang buong mukha niya. “Fuck you!”Mabilis siyang tumalikod. Ayaw niyang makita nito ang pamumula ng kaniyang mukha, pero hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat.“Niks...”“Bitawan mo ako!”Hindi siya pinakawalan ni Kieran. Sa halip ay marahan siya nitong iniharap dito. Bago pa siya tuluyang makaiwas ay napagtanto niyang napakalapit na nila sa isa’t isa… halos wala nang pagitan ang kanilang mga katawan. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Hindi niya alam kung kaniya ba iyon... o kay Kieran.“Niks...”Halos pabulong nitong sambit sa pangalan niya.Dahan-dahan siyang napatingala. Nagtama ang kanilang mga mata, at sa isang iglap ay parang biglang naglaho ang lahat ng galit na kanina lang ay nag-aalab sa dibdib
Nagpatuloy ang masiglang kuwentuhan ng grupo, ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay may isang babaeng lumapit kay Kieran.Agad iyong napansin ni Nikita. Iyon ang parehong babaeng nakita niyang kausap nito noong unang araw ng convention.Italyana ang babae, halata sa accent nito at sa paraan ng pagsasalita. Matangkad, elegante, at napakaganda rin. Suot nito ang isang fitted na business dress na lalong nagpatingkad sa kumpiyansa nito sa sarili.“Kieran!”Napangiti ang babae nang makita ang lalaki at agad itong lumapit. Bumati naman si Kieran, at hindi nagtagal ay nagsimula na silang mag-usap.Napatingin siya sa dalawa at lalo lang sumama ang timpla ng mukha niya nang mapansing tila naging abala na si Kieran sa pakikipag-usap sa Italyana... para bang wala siya roon sa tabi.Wow! Tahimik siyang napairap. Kanina lang, kung anu-anong sinasabi nito kay Logan tungkol sa kanya. Tapos ngayon, heto naman at mukhang napakasaya habang may kausap na ibang babae?!“Hey, Nikita.”Naputol ang inii
Ano?! Biglang uminit ang magkabilang pisngi niya. Napatingin siya kay Kieran. Napansin ba ng mga ito Napansin ba nila kung gaano ka-attentive si Kieran sa kanya simula kanina?Mula nang dumating siya sa convention ay palagi itong nasa malapit. Ito ang unang nakapansin nang mapagod siya. Ito rin ang tahimik na nag-abot sa kanya ng tubig kanina. At ngayon, pati ang tungkol sa pag-inom niya ng wine ay ito pa ang nagpaliwanag.Hindi siya sumagot, Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kaya hinayaan niyang si Kieran ang sumagot.Saglit na natahimik ang lalaki, pagkatapos ay ngumiti ito. “Nikita and I have been friends since high school, which is why we know each other so well... but that’s all there is between us.”Humigpit nang bahagya ang pagkahawak niya sa baso ng orange juice. Parang may malamig na bagay na biglang bumagsak sa dibdib niya. Napayuko siya nang bahagya at tinitigan ang orange juice sa kanyang baso. Friends since high school? Iyon lang ba talaga ang masasabi nito tung
Natapos ang buong araw nila sa convention na halos ubos na ang lakas ni Nikita.Kahit kalahating araw lang siyang nakadalo, ramdam na ramdam pa rin niya ang pagod sa buong katawan. Pakiramdam niya ay ilang araw siyang walang pahinga. Siguro dahil hindi lang naman pisikal na pagod ang dinadala niya, mas nakakapagod ang isip niya.Napakarami niyang iniisip... si Julia, si Kieran, at higit sa lahat… ang pagbubuntis na pilit niyang itinatago sa lahat.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung kailan niya sasabihin kay Kieran ang tungkol sa anak nila. O kung dapat pa ba niyang sabihin.Pagkatapos ng convention ay hindi rin sila agad umakyat sa kani-kanilang mga silid. Nanatili sila sa function hall kung saan nagpatuloy ang pakikipag-usap ng ilang delegates sa isa’t isa.Mas casual na ang atmosphere kumpara kanina. Wala na ang mahahabang presentations at formal discussions. Karamihan ay may hawak nang wine habang nakikipagkuwentuhan, nagpapalitan ng business cards, at bumubuo ng paniba
Lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha. "Bakit? Magkano ba dapat?" Ang five hundred dollars ay halos trenta mil din sa peso, depende sa palitan. Saan pa ito makakakuha ng trenta mill ng libre? "Di ba one thousand dollars ang binibigay mo sa akin palagi para kina Mama at Papa?" sagot ni Julia na tila walang hiya. "Gano'n din kasi ang pinapadala ko sa kanila noong nagtatrabaho pa ako." Napakagat si Nikita sa loob ng kanyang pisngi. Gusto niyang sabihin--- Then why don't you find another job? Kung gusto nitong maipagpatuloy ang dating halaga ng ipinapadala sa pamilya nito, bakit hindi ito magtrabaho ulit? Bakit parang responsibilidad niyang punan ang perang dati nitong kinikita? Pero pinili niyang manahimik. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa lobby ng hotel. Lalo na't may convention silang dinadaluhan at maraming taong nakakakilala sa kanila roon. Humugot siya ng malalim na hininga upang mag-ipon ng pasensya. "That's all the cash I have with me," mariin niyang sabi. "Wala akong da
Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H
Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit
FLASHBACK FIVE YEARS AGO (Fourth Year High School):“Kiss! Kiss! Kiss!”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Nikita Valencia nang kunin ang kanyang piring sa mata. Nasa loob siya ng kissing booth, at ang kanyang kaharap ay walang iba kundi si Kieran Del Toro!Si Kieran ay ang kanyang long-time c
Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl







