"Iha, bukas pala ay sumama ka sa kanya sa opisina, ha? Nang sa ganoon ay makilala ka naman ng mga empleyado natin. Nasabi ko na kay Kieran ang gagawin," dagdag ng kanyang ama.Nanlaki ang kanyang mga mata. "Dad naman... umuwi ako rito para magbakasyon, hindi para magtrabaho!"Alam na niya ang gustong ipahiwatig ng ama. Malinaw na gusto nitong ma-familiarize siya sa takbo ng kumpanya para sa hinaharap."Sumunod ka na lang, Nikita. Ama mo pa rin ako at ako pa rin ang masusunod." madiing sabi nito, bagaman may halong lambing."Dad!..." pagmamaktol niya."Anak..." mahinahong tawag ng kanyang ama. "Ayaw ko na nag-aaway tayo habang nandito ka sa Pilipinas. Kaya sana, sundin mo si Kieran, ha?"Sandali siyang natigilan at huminga nang malalim. Sa tagal nilang hindi nagkita ng kanyang ama, ayaw niya rin namang palagi silang magtatalo. Pinakalma niya ang kanyang loob."O-okay, Dad," pagsuko niya."Good girl, iha. I’ll see you soon, ha?""See you soon, Dad," mahina niyang sagot. "Ingat kayo diya
Last Updated : 2026-04-20 Read more