Share

CHAPTER 28

Author: dyowanabi
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-19 19:09:52

Napatingin siya sa main door. Nandoon si Yaya Gloria.

“Yaya!”

Mabilis niya itong pinuntahan at mahigpit na niyakap.

“I miss you, iha… Ang tagal mong hindi umuwi.” Mangiyak-ngiyak na sabi ng matanda.

Si Yaya Gloria ang nagpalaki sa kanya. Nagkahiwalay lang sila nang pumunta siya sa America, pero hindi ito umalis sa poder ng daddy niya kahit wala na siya roon. Hihintayin daw kasi nito ang pagbabalik niya. Alam nitong babalik at babalik siya.

Para na siyang tunay na anak nito. Matandang dalaga si
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 133

    ***Napabuntong-hininga na lang si Oliver matapos niyang magpaalaman kay Kieran sa telepono.Ayaw man aminin ni Kieran, kitang-kita naman sa kanya kung gaano ito kabasag dahil sa pagkabigo. At iyon ang lalong ikinababahala niya.Kung hindi nila sasamahan si Kieran sa Boracay, siguradong tutuloy pa rin ito mag-isa. At ayaw niyang mangyari iyon.Kapag ganitong sugatan ang damdamin ng kaibigan niya, mas lalo itong nagiging mainitin ang ulo at madaling makahanap ng kaaway, at iyon mismo ang iniiwasan nilang lahat.Kanina pa nga lang sa bar ni Philip ay muntik nang magkaroon ng malaking gulo. Isang simpleng pagkakasagi lang ng isang lalaki sa upuan ni Kieran ang nauwi sa komprontasyon. Sa sobrang sama ng timpla nito, agad nitong inakala na sinasadya siyang pagtripan ng estranghero.Bago pa nila napigilan, nakapagbagsak na ito ng ilang bote ng alak at halos suntukin ang lalaki. Kung hindi lang si Philip ang may-ari ng bar, malamang ay nasa presinto na ngayon si Kieran.Mabuti na lamang at p

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 132

    KEIRAN'S POV:Pabalang niyang isinara ang pinto ng kanyang silid, dahilan upang bahagyang umugong ang buong kwarto.Nanggigigil siya sa inis. Pinauwi lang siya ng kanyang mommy para sermunan at paulit-ulit na buksan ang usapan tungkol kay Nikita.Ilang beses na niyang sinabi na ayaw na niyang marinig ang pangalan nito, ngunit tila ba sadyang matigas ang ulo ng kanyang ina. Bakit ba napakahirap intindihin na tapos na ang lahat?Mabilis siyang nagtungo sa banyo at agad pinaandar ang shower. Hindi na siya nag-abalang maghubad ng damit. Wala siyang lakas para gawin pa iyon. Lasing siya at kanina pa niya pilit na itinatago iyon sa kanyang ina.Napapikit siya nang maramdaman ang malamig na tubig na bumuhos sa kanyang ulo at katawan. Lalong tumindi ang lamig nang tuluyang mabasa ang kanyang mga damit at dumikit ang mga iyon sa kanyang balat.Nanatili siyang nakatayo roon habang hinahayaang anurin ng tubig ang kanyang pagod at galit. Ngunit kahit gaano kalamig ang tubig, hindi nito magawang p

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 131

    Ang akala niya ay naging malapit lamang ang dalawa dahil magiging step-siblings sana ang mga ito. Hindi niya alam na matagal na pala silang magkakilala.At lalong hindi niya alam na ang babaeng madalas ikuwento ni Kieran noong teenager pa lamang ito... ang babaeng matagal nitong crush at unang minahal... ay si Nikita pala.Ngayon niya lang lubos na nauunawaan kung bakit ganito kasakit para sa anak niya ang lahat. Matagal na nitong mahal si Nikita. Mas matagal pa kaysa sa relasyon nila ni Wesley.Humugot siya ng malalim na hininga, pagkatapos ay inabot niya ang papel na kanina lamang niya nakita habang naglilinis sa kwarto ni Kieran. Dahan-dahan niya itong inilapag sa mesa. Napatingin si Kieran doon at agad na nanigas. Nawala ang anumang emosyon sa mukha nito.Marriage certificate... Ang pekeng marriage certificate ng dalawa sa isang wedding booth noong high school pa ang mga ito.Nakalagay doon ang pangalan ni Kieran at ni Nikita. Matagal na pala nitong itinatago iyon.Bahagya siyang

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 130

    VIVIAN’S POV:Tahimik na nakaupo si Vivian sa dining table habang paminsan-minsang sumusulyap sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Kanina pa siya naghihintay kay Kieran na tuluyang makapasok sa loob ng bahay.Ilang beses pa niyang kinailangan itong tawagan bago pumayag na maghapunan kasama siya ngayong gabi. Ngunit kahit pumayag ito, ramdam niyang napipilitan lamang ang anak.Halos isang buwan na rin ang lumipas mula nang umalis sina Wesley at Nikita. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalawa.Masakit... Napakasakit para sa kanilang mag-ina na basta na lamang silang iniwan nang walang kahit anong paliwanag. Ngunit sa tingin ni Vivian, mas malalim ang sugat na iniwan nito kay Kieran kaysa sa kanya.Kitang-kita niya ang pagbabago sa anak. Halos gabi-gabi itong umuuwing lasing. Minsan naman ay hindi na talaga umuuwi at sa condo na lang natutulog. Kung hindi pa niya tatawagan at pipilitin, hindi na ito magpapakita sa bahay. Parang unti-unti nitong tinatak

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 129

    Sandali ring natigilan si Wesley. Hindi pala magandang biro iyon sa mga oras na ito. Alam niyang may dinadala pa ring sakit si Nikita sa puso nito.“P-paano na pala kayo ni Kieran, anak?” Hindi niya napigilan ang magtanong.Huminto si Nikita sa ginagawa nito bago marahang bumuntong-hininga. “'Wag mo nang itanong, Dad. Ayoko na siyang makita.”Napakunot-noo siya.“From the start, hindi naman talaga pwede. Pero pinilit namin.""Pero pumayag na ako, hindi ba?” sagot niya. “Nagbigay na ako ng daan sa inyong dalawa.”Mapait na napangiti si Nikita. “Kahit mag-give way ka pa, Dad, hindi rin ako papayag na makasal ka kay Vivian.”Napabuntong-hininga si Wesley. “Here we go again....”“She doesn't love you!” mariing sabi ni Nikita habang nakatingin sa kanya. “Ang mahal lang niya ay ang pera at kapangyarihang meron ka!”“Anak---”“Hindi mo lang nakikita dahil mahal mo siya.”“Anak,” muli niyang putol dito, mas mahinahon ang tono. “Huwag mong husgahan agad ang tao. Ang side lang ni Ralph ang nari

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 128

    Makalipas ang ilang araw at sa wakas ay nakalabas na rin siya ng ospital. Mula roon ay dumiretso sila sa bahay ni Nikita... ang bahay na siya mismo ang bumili noon para kina Nikita at sa ina nito matapos silang maghiwalay.Kahit nauwi sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama ng kanyang asawa, hindi niya kailanman pinabayaan ang mag-ina. Sinigurado niyang magiging maayos ang buhay ng mga ito sa Amerika. Binilhan niya sila ng bahay at sasakyan, at buwan-buwan ay nagpapadala siya ng sapat na allowance upang hindi sila mahirapan.Ngunit nagbago iyon nang makapagtapos si Nikita ng kolehiyo. Matigas itong tumangging tumanggap pa ng pera mula sa kanya. May maayos na itong trabaho at malaki na rin ang kinikita. Naalala pa niya kung paano sila nagtalo noon dahil pakiramdam niya ay unti-unti nang pinuputol ng anak ang natitira nilang ugnayan."Dad, hindi ko ginagawa ito dahil ayaw ko sa'yo," mahinahon nitong paliwanag noon. "Gusto ko lang maging independent. Gusto kong matutong tumayo sa sarili k

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 66

    Nawala ang pang-aasar sa mukha nito at napalitan iyon ng bahagyang pagkadismaya. Umupo ito nang tuwid at tumingin sa kanya nang diretso.“So… hindi pala totoo ‘yon?”Parang may kumurot agad sa puso niya Gusto niyang bawiin ang sinabi dahil kahit lasing siya kagabi… totoo naman lahat ng iyon. Totoo

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 65

    Kinabukasan, maagang nagising si Nikita kahit tila binibiyak ang ulo niya sa sobrang hangover. Mabigat ang kanyang katawan habang dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Napapikit siya at napahawak sa noo nang maramdaman ang matinding kirot doon.Pero mas masakit kaysa sa hangover… ang alaala ng

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 62

    Oo, wala silang relasyon ni Kieran. Hindi niya ito boyfriend at wala siyang karapatang magselos. Hindi siya ang babaeng ipinapakilala nito sa iba. Hindi siya ang hinahawakan nito sa harap ng maraming tao. Hindi rin siya ang pinapangakuan nito ng kinabukasan.Pero siya ang palaging naroon. Siya ang

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 60

    “Have a seat!” aya ni Oliver habang hinihila siya papunta sa gitna ng grupo.At habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan sa kanya… lihim naman siyang sinulyapan ni Kieran mula sa kabilang side ng table.Tahimik lang ito. Ngunit nang magtagpo ang mga mata nila, bahagya itong ngumiti. Iyong tipon

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status