Kinabukasan, maaga pang nagising si Nikita. May usapan sila ni Kieran, kailangan nilang pumunta sa Tala Airways. Kailangan niyang tuparin ang napagkasunduan nila... tutulong siya sa kumpanya, at kapalit nito, titigil na si Kieran sa panunukso, panliligaw, at anumang pagtatangkang guluhin ang damdamin niya.Tahimik siyang bumangon at naghanda. Isinuot niya ang puting square pants at ipinares dito ang itim na long-sleeve silk polo. Simple, ngunit elegante. Hindi siya nag-aksaya ng oras sa sobra-sobrang ayos, isang maliit na diamond necklace at pares ng hikaw lang ang sinuot niya.Sapat na iyon para magmukhang maayos at disente, nang hindi nakakabulabog ng pansin. Pupunta siya sa opisina para magtrabaho, hindi para makakuha ng atensyon na isa siyang international model. Low-key lang siya sa araw na yun.Matapos magwisik ng kaunting pabango, kinuha niya ang kanyang bag at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa dining area, naroon na si Kieran. May tasa ito ng kape sa harap, at gaya ng dati,
Last Updated : 2026-05-04 Read more