“Mas mabuti pa, umalis na tayo,” pag-iiba nito ng usapan habang bahagyang umatras. “It’s getting late. Malamang nandoon na ang mga barkada sa bar.”Napangiti rin siya. Biglang gumaan nang kaunti ang mabigat na pakiramdam niya nang maalala ang reunion nila kasama ang mga dating batch. Excited na siyang makita ang mga ito.“Is Elara going to be there too?” excited niyang tanong habang mabilis na pinupunasan ang natitirang luha sa gilid ng mata niya.“I don’t know, pero baka,” nakangiting sagot ni Kieran habang inaayos ang buhok niya na bahagyang nagulo. “Sabi naman ni Oliver kanina, iimbitahin niya raw iyong ibang batchmates natin, ‘di ba?”Bahagya siyang tumango.“Don’t worry, wifey,” dagdag pa nito habang nakatitig sa kanya. “In case na wala si Elara doon mamaya, I’ll make sure na magkikita kayo. Ako ang gagawa ng paraan.”Muli siyang ngumiti. Ramdam niya na kayang gawin ni Kieran ang lahat para sa kanya. Kahit simpleng bagay lang iyon, pinapahalagahan pa rin nito dahil alam nitong ma
Last Updated : 2026-05-11 Read more