“Baka naman gawa-gawa mo lang ’yan, Nicole, dahil natalo ka ni nerd. Kita mo naman kanina. Matinding glow up ang nangyari sa kanya. Ang ganda niya, at bagay naman talaga siyang maging Queen of the Night.”Napansin niyang iba na ang tono ng boses ni Tasha, hindi na panunukso kundi tila pagtatanggol.“Napapansin ko, Tasha, kanina mo pa ako binabara,” mataray na sagot ni Nicole. “Kanino ka ba kakampi? Kay nerd o sa akin?”“Ah… eh… hindi naman sa gano’n, Nicole,” alanganing sabi ni Tasha. “Mabait naman kasi si Nikita.”“Basta!” mariing putol ni Nicole. “’Yon ang nangyari. Dahil imposibleng manalo siya sa akin. Nandaya siya!”Maya-maya pa’y nagsimula nang lumabas sina Nicole at ang mga kaibigan nito, patuloy pa rin sa bulungan at tawanan.Pagkasara ng pinto ng CR, doon na siya tuluyang napaiyak. Tahimik ngunit marahas ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Para bang sabay-sabay na bumuhos ang lahat ng hiya, sakit, at galit na kanina pa niya pinipigil.Ngunit ilang saglit lang, mariin niya
Last Updated : 2026-04-26 Read more