Pagdating nila sa bar, agad silang pumasok ni Elara. Pagkakita pa lang sa kanila ng mga naroon, kapansin-pansin na ang pagkagulat sa kanilang mga mukha.“Elara? Is that you?” gulat na tanong ni Oliver.Humagikhik si Elara at bahagyang umayos ang tayo, tila ipinagmamalaki ang sarili.“Yes, it’s me, Oliver. Ang ganda ko na, di ba?”“Hahaha! Oo naman! Ang ganda mo na!” natatawang sagot nito.“Come, sit!” aya ni Oliver.Agad itong inalalayan ng mga lalaki upang makaupo nang maayos. Pagkatapos, umupo rin siya sa tabi ni Elara.“Hindi namin inaasahan ang bigla mong pagsulpot, Elara. Saan ka ba nanggaling at bakit ang tagal mong nawala?” usisa ni Chester habang nakatingin sa dalaga.“Galing akong Australia. I was an exchange student there. Ngayon, I’m working as Kieran’s secretary.”Pagkasabi niyon, napatingin si Elara sa kanya at ngumiti nang napakatamis, na para bang ipinagmamalaki nito ang bagong trabaho.“Ganun ba? Hindi man lang sinabi sa amin ni Kieran!” natatawang komento ni Oliver ha
Baca selengkapnya