Hindi naman nagtagal ay muli nang bumalik si Elara sa sofa kung saan ito natutulog. Pero sa halip na makaramdam siya ng ginhawa, lalo lang hindi mapakali si Nikita.Ilang beses siyang nagpalit ng posisyon sa pagkakahiga. Minsan ay humaharap siya sa kabilang panig, saka muling tatalikod. Pero kahit anong gawin niya, tila ayaw siyang dalawin ng antok.Sa tuwing pipikit siya, ang mukha ni Elara ang sumasagi sa kaniyang isipan. Mas lalo na ang aninong nakita niya sa likod ng kurtina kanina. Hindi niya maalis sa isip ang kakaibang pakiramdam na tila may kung anong hindi tama sa babaeng iyon.Napabuntong-hininga siya at mariing ipinikit ang mga mata. Pero ano nga ba ang kinatatakutan niya? Wala naman siyang nakitang aktuwal na ginawa ni Elara para saktan siya. Bukod pa roon, naroon si Kieran sa kaniyang tabi. Kung may mangyari man, hindi naman siguro siya nito pababayaan.Baka naman ako lang ang gumagawa ng problema sa isip ko, sa wakas ay naisip niya.Marahil ay dala lang iyon ng pagod at
Read more