“Sabagay, iha. Kilala ko na rin naman si Elara simula noong mga bata pa kayo. Makulit lang talaga ang batang iyon, pero hindi naman siya iyong tipo ng taong gagawa o mag-iimbento ng ganoong kuwento kung wala namang katotohanan.” bawi ni Yaya Gloria, marahil ay napagtantong hindi niya dapat basta-bastang pagdudahan ang sinabi ni Elara.“Oo nga, Yaya,” pagsang-ayon niya, sabay pilit na ngumiti.Gayunpaman, hindi pa rin tuluyang nawala sa isip niya ang mga nangyari kanina. May kung anong bumabagabag sa kaniya, pero pinili na lang niyang huwag nang palalain pa ang sitwasyon. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano, lalo na kung wala naman siyang sapat na dahilan para pagdudahan ang mga taong nasa paligid niya.“Bueno, nakakain ka na ba? Kung hindi pa, ipapainit ko ang ulam. May natira pa naman sa hapag-kainan.”“Kumain na kami, Yaya,” sagot niya.Ang totoo, kalahati lang ang nakain niya sa restaurant. Pero, hindi naman niya nararamdamang nagugutom siya. Sa halip, gusto na lang niyang makapag
続きを読む