登入"This calls for a celebration! Bakit hindi tayo uminom kahit ilang bote lang? We should celebrate this successful deal!"Masiglang mungkahi ng isa sa mga investor."That's a great idea!" agad na sagot ni Elara.Napalingon si Kieran dito.Sa totoo lang, wala na sana siyang balak pang magtagal sa hotel. Gusto na niyang umalis para hanapin si Nikita. Hindi niya alam kung saan magsisimula, pero determinado siyang puntahan ang lahat ng lugar na posibleng kinaroroonan nito.Pero bago pa siya makatanggi ay bahagyang yumuko si Elara at bumulong sa kaniya."Kieran, smile."Napatingin siya rito."Ano ka ba? Mga investor mo ang kasama natin. Hindi mo naman sila puwedeng iwan ngayon. We've just closed an important deal. Ano ba naman ang ilang bote ng beer with them?"Napabuntong-hininga siya. Hindi niya gustong uminom. Sapat na ang nangyari noong birthday ni Chester. Ayaw na niyang maulit ang gabing iyon, lalo na't iyon ang naging dahilan ng malaking gulo sa pagitan nila ni Nikita.Pero hindi rin
"Kieran, please."Muling nagsalita si Elara, sa pagkakataong ito ay mas mariin ang kaniyang tono."Can you forget about Nikita for a moment? Just for a while. I promise, tutulungan kitang hanapin siya. But you need to focus on yourself first. Tapusin mo muna ang meeting na ito. This is important to you."Napatingin siya rito. Nakatayo na si Elara sa harap ng kaniyang mesa habang hawak ang ilang folder na kakailanganin nila sa pagpupulong. Nakahanda na rin ang mga dokumentong kailangan nilang talakayin."I know you're worried about her, Kieran, but you can't let your personal problems affect your work. Hindi makakatulong sa iyo ang pagpapabaya sa sarili mo. You need to get some rest, too."Wala siyang naging sagot. Tinitigan lang niya ang mga folder na hawak nito bago muling napabuntong-hininga."Come on. We have to go."Dahan-dahan siyang tumayo at inayos ang gusot niyang damit. Kinuha niya ang kaniyang telepono at muling sinubukang tawagan ang numero ni Nikita pero gaya ng mga naunan
Hilong-tulilo si Kieran nang dumating siya sa kaniyang opisina kinabukasan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ang nobya. Wala rin siyang naging komunikasyon kay Celestine, kaya lalo siyang hindi mapakali.Halos hindi siya nakatulog buong magdamag. Hindi siya umalis sa bahay ni Nikita, umaasang baka sakaling magbago ang isip nito at umuwi. Ilang beses siyang naghintay, ilang ulit ding sinilip ang telepono, ngunit wala siyang natanggap na tawag o mensahe mula sa babae… Pero wala talaga.Pagdating niya sa opisina, bakas na bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagod. Namumugto ang kaniyang mga mata, magulo ang buhok at halatang ilang gabi nang hindi maayos ang tulog. Pakiramdam niya ay para siyang mababaliw sa kaiisip kung nasaan na ang babaeng pinakamamahal niya."Kieran... what happened to you? Bakit ganyan ang itsura mo?"Nagtatakang tanong ni Elara nang pumasok ito sa kaniyang opisina.Bahagya lang niya itong nilingon bago muling ibinalik ang paningin sa mga dokumentong
NIKITA’S POV:Namangha si Nikita nang tuluyan silang makarating sa resort na pagmamay-ari ni Celestine. Isa iyong pribado at tagong isla na napapalibutan ng malinaw na asul na tubig at white sand. Kailangan pa nilang sumakay ng yate bago tuluyang marating ang lugar. Hindi iyon basta-bastang resort na maaaring puntahan ng kahit sino.Malayo iyon sa mataong mga beach sa Station 1, 2, at 3 kung saan halos magkakadikit ang mga turista at wala nang halos pribadong espasyo para sa mga gustong mag-relax.Bukod sa kanila, ang mga staff lang ni Celestine ang naroon. Walang ibang bisita, walang maingay na turista, at higit sa lahat, walang posibilidad na may makakakilala sa kaniya. Sadyang napakagandang lugar para sa isang taong nais munang lumayo sa magulong mundo.Nakatayo siya sa may veranda habang hinahaplos ng malamig na simoy ng hangin ang kaniyang mukha. Nilibot niya ang paningin sa paligid at hindi napigilang mapangiti.“This place is yours, Ces? Ang ganda naman dito. Para akong nasa pa
Maya-maya ay may naisip siya. Agad niyang hinanap ang pangalan ni Oliver sa kaniyang contacts at tinawagan ito. Baka sakaling may alam ang kaibigan niya tungkol sa pagkawala ni Nikita. Ilang ring lang ang lumipas bago ito sumagot.“Hello, bro? Finally! Nakausap din kita!”Napakunot ang kaniyang noo. “What do you mean?”“Simula noong birthday ni Chester, hindi na kita nakontak. Nikita is worried sick about you! Ilang beses na rin akong tumawag sa cellphone mo, pero si Elara palagi ang sumasagot. What happened to you, bro? Akala ko patay ka na! Buti naman at tinawagan mo ako.”May pahabol pang biro si Oliver, pero hindi man lang siya napangiti.“Where is Nikita?” agad niyang tanong. “Alam mo ba kung nasaan siya?”Sandaling natahimik ang kaibigan sa kabilang linya.“Bakit mo hahanapin sa akin ang nobya mo? Hindi ka pa rin ba umuuwi?”“Andito na ako sa bahay, pero wala si Nikita, bro. She's gone…”“What? Ganito kalala ang galit niya sa iyo?”Napayuko siya habang mahigpit na hawak ang cell
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyan siyang humagulgol habang nakayuko sa sahig. Pakiramdam niya ay gumuho ang buong mundo niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya lubos maisip na hahantong sila sa ganitong sitwasyon nang hindi man lang niya nalalaman kung saan siya nagkamali.“Hindi ko maintindihan… Bakit niya ginagawa ito sa akin?” basag ang tinig na tanong niya.“Hindi ko rin po alam, Sir Kieran. Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan ninyo. Baka masyado pong nasaktan si Miss Nikita,” maingat na sagot ni Yaya Gloria.Umiling siya at mabilis na pinahid ang mga luhang nag-uunahan sa kaniyang mga pisngi.“Wala akong kasalanan, Yaya. Bakit hindi niya muna ako kinausap bago siya umalis? Bakit siya nagdesisyon nang hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag?”Itinaas niya ang cellphone na hawak ng matanda at ipinakita iyon sa kaniya, para bang iyon ang magsisilbing patunay sa lahat ng sinasabi niya.“Nakita mo naman, sira a
Bakit naman kasi napaglaruan siya ng tadhana? Ang nag-iisang lalaking crush niya simula ng high school ay anak pa ng girlfriend ng kanyang ama!... and worst, magiging step-brother niya!Matagal na siyang inaawitan ng kanyang daddy na umuwi para siya naman ang tumulong sa negosyo, pero ayaw niya. Fl
NIKITA MAGDRIGAL POV: "Keiran..." Halos pabulong na anas niya habang ang hininga ay naghahabol sa bawat dampi ng labi ng lalaki. "Yes, wifey? Masarap ba, hmmm?" malat na tanong ni Keiran. Ang boses nito ay parang humahaplos sa kanyang pandinig, mapanukso at puno ng pag-uudyok. "Baka... baka may
Napatingin siya sa lalaki. Hindi niya alam na marami palang nakakakilala sa kanya... lalo na si Kieran, tinawag siya nito sa kanyang pangalan kanina.Pagdating nila sa wedding booth ay ganoon na lang ang kanyang pagkagulat nang doon din si Kieran at tila may hinihintay.“Bro, here’s your bride.”“H
Napadilat siya nang marinig ang bulong ni Kieran. Napahiya siya dahil nakaawang pa ang kanyang mga labi, as if she wanted more. Hindi niya napansin na tapos na pala siyang halikan nito.“Get off me!" Tinulak niya ito palayo, pero parang walang nangyari, ni hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.“Bakit


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




