"Sabagay, hindi naman sila magkaklase, Wesley, saka sa dami ng estudyante sa school nila, posible talagang hindi sila magkakilala lahat. Alam mo naman itong anak ko, puro pagbabasketball lang ang inaatupag, samantalang si Nikita naman ay mukhang puro pag-aaral. Magkaibang-magkaiba talaga ang mundo nila.""Tama ka po riyan, Tita Vivian..." tila nakahingang-maluwag na sagot niya, labis na nagpapasalamat na ang ina na mismo ni Kieran ang gumagawa ng dahilan para sa kanila."Pero iha... alam mo bang may isang babaeng patay na patay itong anak ko noong high school?"Napatitig siya kay Kieran. Tahimik lang ito at pailing-iling na may kasamang ngiti."T-talaga po, Tita?""Yes. Ang alam ko, crush na crush niya 'yun. Ano nga ba ang pangalan nun, anak?" tanong ni Tita Vivian sabay baling kay Kieran."Ma, matagal na 'yun... nakalimutan ko na," pag-iwas ni Kieran."Naku... first love never dies. Ako nga, kahit patay na ang daddy mo, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.""Sweetheart naman..." rekla
Última atualização : 2026-05-18 Ler mais