Share

CHAPTER 54

Auteur: dyowanabi
last update Date de publication: 2026-05-07 13:46:40

Hindi niya napigilang matawa nang bahagya.

Pero tahimik pa rin si Kieran. Diretso lamang itong nakatingin sa kanya, iyong klase ng tingin na parang may gustong gawin, pero nagpipigil.

Maya-maya ay dahan-dahan itong lumapit. At bago pa siya makaiwas, dumakwang ito sa swivel chair niya. Napahigpit agad ang hawak niya sa armrest, nakulong siya sa pagitan ng mga braso nito.

Sobrang lapit ng mukha ni Kieran na halos magdikit na ang kanilang mga ilong. Amoy na amoy niya ang pabango nito, iyong pamily
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Latest chapter

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 62

    Oo, wala silang relasyon ni Kieran. Hindi niya ito boyfriend at wala siyang karapatang magselos. Hindi siya ang babaeng ipinapakilala nito sa iba. Hindi siya ang hinahawakan nito sa harap ng maraming tao. Hindi rin siya ang pinapangakuan nito ng kinabukasan.Pero siya ang palaging naroon. Siya ang tinatawagan ni Kieran tuwing madaling-araw kapag hindi ito makatulog. Siya ang babaeng kusang pumupunta sa condo nito kahit isang text lang ang ipadala ng lalaki. Siya ang nagpapagaan ng pagod nito matapos ang mahabang araw. At sa bawat gabing magkatabi silang nakahiga, umaasa siyang kahit papaano… may kahulugan iyon para kay Kieran.Pero kanina… malamig siyang kinausap ni Kieran. Walang lambing, direkta nitong sinabi na kailangan na nilang tapusin kung ano man ang namamagitan sa kanila.“Magkaibigan na lang tayo mula ngayon.”Parang kutsilyong dahan-dahang bumaon sa dibdib niya ang bawat salitang iyon.Magkaibigan? Napakagat siya sa labi habang unti-unting nagdidilim ang kanyang ekspresyon.

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 61

    Unti-unting lumambot ang puso ni Nikita para kay Kieran. Hindi niya kailanman inakalang ganoon pala ang nangyari noong high school. Totoo palang may nararamdaman ito para sa kanya noon pa man… habang siya naman ay pilit lumalayo dahil akala niya’y niloloko lang siya nito.At ngayong alam na niya ang totoo, pakiramdam niya’y kailangan niyang bumawi. Huminga siya nang malalim bago tumingin kay Oliver.“Excuse me sandali,” mahina niyang sabi bago tumayo mula sa couch.Hinahanap ng mga mata niya si Kieran sa loob ng bar hanggang sa makita niya ito sa may gilid. Kausap si Nicole.Hindi… hindi lang pala simpleng usapan. Sobrang seryoso ng dalawa. Nakahawak pa si Nicole sa braso ni Kieran habang may sinasabi rito.Biglang nanikip ang kanyang dibdib. Hindi siya napansin ng dalawa dahil parehong abala ang mga ito sa pag-uusap.Mabigat ang hakbang na bumalik siya sa couch. Pagkaupo niya, agad niyang dinampot ang isang bote ng wine at diretsong tinungga iyon... Sunod pa ang isa.“Hey, Niks… nagl

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 60

    “Have a seat!” aya ni Oliver habang hinihila siya papunta sa gitna ng grupo.At habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan sa kanya… lihim naman siyang sinulyapan ni Kieran mula sa kabilang side ng table.Tahimik lang ito. Ngunit nang magtagpo ang mga mata nila, bahagya itong ngumiti. Iyong tipong ngiti na para lang sa kanya.Umupo sila sa isang malawak na couch sofa na nakapalibot sa malaking bilog na mesa sa gitna. Magkakaharap silang lahat kaya kitang-kita niya ang bawat mukha ng mga dating kaklase at barkada ni Kieran.Sina Philip, Chester, Oliver, at Marcus lang ang naroon sa ngayon. At hindi niya maiwasang mapangiti habang isa-isang pinagmamasdan ang mga ito. Kung gumanda siya… mas lalo namang gumwapo ang mga ito.Halatang may narating na sa buhay. May kanya-kanya nang dating. Iyong tipong hindi na mga batang maingay sa classroom kundi mga lalaking sanay nang humarap sa totoong mundo.Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nawala ang pagiging makulit ng grupo. Tumabi si Oliver sa k

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 59

    “Mas mabuti pa, umalis na tayo,” pag-iiba nito ng usapan habang bahagyang umatras. “It’s getting late. Malamang nandoon na ang mga barkada sa bar.”Napangiti rin siya. Biglang gumaan nang kaunti ang mabigat na pakiramdam niya nang maalala ang reunion nila kasama ang mga dating batch. Excited na siyang makita ang mga ito.“Is Elara going to be there too?” excited niyang tanong habang mabilis na pinupunasan ang natitirang luha sa gilid ng mata niya.“I don’t know, pero baka,” nakangiting sagot ni Kieran habang inaayos ang buhok niya na bahagyang nagulo. “Sabi naman ni Oliver kanina, iimbitahin niya raw iyong ibang batchmates natin, ‘di ba?”Bahagya siyang tumango.“Don’t worry, wifey,” dagdag pa nito habang nakatitig sa kanya. “In case na wala si Elara doon mamaya, I’ll make sure na magkikita kayo. Ako ang gagawa ng paraan.”Muli siyang ngumiti. Ramdam niya na kayang gawin ni Kieran ang lahat para sa kanya. Kahit simpleng bagay lang iyon, pinapahalagahan pa rin nito dahil alam nitong ma

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 58

    Tahimik siyang napapikit matapos marinig ang sinabi ni Kieran. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay dahan-dahang bumabasag sa natitira niyang depensa. Iyong matagal na niyang pilit itinayo para protektahan ang sarili niya… unti-unti nang nagkakabitak-bitak dahil dito.Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Dahil ang totoo… gusto rin niyang mahalin ito.Gusto niyang yakapin si Kieran nang mahigpit at sabihin na pagod na rin siyang lumaban sa nararamdaman niya. Pagod na siyang magpanggap na walang epekto ang bawat titig nito, bawat pag-aalala, bawat simpleng paghawak sa kanya. Pagod na siyang ikulong ang sarili sa takot habang unti-unti naman siyang nauubos.Pero hindi pwede... Hindi dapat.Dahan-dahan siyang napayuko habang pilit pinipigilan ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Nanginginig ang mga daliri niyang nakakapit sa laylayan ng suot niya.“Kieran…” mahina niyang tawag, halos mabasag ang boses.Agad nitong hinawakan ang baba niya at marahang itinaas ang m

  • THE VOW: TEMPTATION UNDER ONE ROOF (SPG)   CHAPTER 57

    Pagbukas ng elevator ay agad siyang inalalayan ni Kieran na maunang lumabas. Nakapamulsa itong sumunod sa likuran niya habang tahimik silang naglalakad papunta sa opisina nito.Pagkapasok nila ay bumungad agad ang malawak at eleganteng opisina. Malinis, maayos, at halatang bawat detalye ay pinag-isipan.“Welcome to my office,” nakangiting sabi ni Kieran habang isinasara ang pinto.Dahan-dahan niyang nilibot ng tingin ang paligid. Malawak ang salaming bintana, may mamahaling muwebles, at amoy pa lang ng lugar ay nakakapreskong pumasok. Aaminin niyang maganda ang opisina nito. Tahimik, elegante, at sobrang linis. katulad mismo ng personalidad ni Kieran na metikuloso sa lahat ng bagay.“Do you like it?” tanong nito habang nakatingin sa kanya.Tumango siya. “Yeah… your office is nice.”Bahagyang ngumiti si Kieran bago itinuro ang bakanteng pinto sa gilid.“May vacant room sa tabi ng office ko. Gagawin kong office mo.”Napakunot-noo siya. “Huh? Why?”“I want you to have your own office her

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status