Pagkatapos nilang mamili sa boutique ay agad nang nag-aya si Tita Vivian na umuwi. Kanina pa niya napapansin na tila wala ito sa sarili, pero hindi niya iyon gaanong pinansin dahil akala niya ay pagod lang ito sa kakalakad.“Are you sure, Tita? Maaga pa ah. Akala ko ba magsho-shopping ka pa?” pagtataka niyang tanong habang magkatabing naglalakad palabas ng boutique.Bahagyang ngumiti si Tita Vivian ngunit halatang pilit iyon.“Sorry, iha… medyo sumakit kasi ang ulo ko,” mahina nitong sambit habang marahang minamasahe ang sentido.“Ganun ba? Sige po, tara na.”Hindi na siya nagpumilit pa, Tahimik silang nagtungo sa parking lot kung saan naghihintay ang sasakyan nila. Pagkasakay nila ay agad umandar ang kotse, ngunit kakaibang katahimikan ang bumalot sa buong biyahe.Nanibago siya, Karaniwan kasi ay madaldal si Tita Vivian, palaging may kuwento tungkol sa kung ano-ano, o di kaya tungkol kay Kieran. Pero ngayon… nakatingin lang ito sa labas ng bintana, tila malalim ang iniisip habang pin
Last Updated : 2026-05-26 Read more