Dali daling bumalik sa kanyang silid si Cacai saka dumiretso sa banyo. Pagharap niya sa salamin ay ganun na lang ang hiya niya nang makita ang itsura ng sarili. Yung suot niya kitang kita pala na wala siyang bra. Pero hindi naman yun ang inaalala niya. Nakita, nahawakan at nahalikan na yun ni Leon, ano pa bang ikakahiya niya. Dun siya nahihiya sa itsura ng mukha niya. Hindi pa siya nagsusuklay at para siyang sinabunutan. Yung mata niya, buti na lang at walang dumi. Pero kahit na, nakakahiya pa rin. Dati naman ay wala siyang pakialam kahit ano pang itsura niya. Pero iba na ngayon kasi baka tumatak ito sa utak ni Leon. Naiisip pa naman niya na ang gaganda ng mga taga admin at HR ng North Point. Si Joan.., kahit nakakairita yun, ang seksi at ang ganda pa rin nun. Tapos lagi pang nakabuntot kay Leon, kesyo SOP daw. Inis siyang pumasok sa shower at nagsimulang maligo. Nang matapos ay naglakad siya palapit sa kanyang closet at para maghanap ng maisusuot. Nang may marinig siyang kumakat
Read more