“Sigurado ka? Akala ko ba magpapatulong ka sa father mo?” paniniguro ni Liam nang kausapin siya ni Cacai tungkol sa paghingi ng recommendation letter para sa papasukang kumpanya sa darating na sem break. Sa Lunes na yun at Friday na ngayon.Narito sila ngayon sa office ng Computer Society Club. Dumaan muna dito si Cacai bago siya maglunch sa canteen.“Oo. Ano kasi.., mas maganda siguro kung letter from school ang bitbit ko kesa sa tulong ni Papa. Baka naman sabihin nila, dinaan ko sa palakasan, diba” palusot ni Cacai saka ngumiti ng pilit.Ayaw niyang ipaalam kay Liam ang totoong dahilan na ayaw lang talaga niyang sa Pacific Air magtrabaho. Masyadong personal at ayaw niya yung pag-usapan.“Okay.” kibit balikat na sabi ni Liam at hindi na nag-usisa pa.“Sige, ako nang magsasabi kay President pagbalik niya.” anito pa na ang tinutukoy ay ang presidente ng club nila na nasa labas pa. Kaya ito na muna ang nag-estima sa dalaga.“Basta, ayoko sa airline ha.” mabilis na sabi ni Cacai. Kaya
Read more