Kahit tila nagmamando ay malumanay pa rin ang boses ni Benito kaya walang nararamdaman galit o takot si Cacai sa ama. “Pa, kapag iginiit niyo yan, baka matulad ako kay Ate na tatatakas na lang.” katwiran ni Cacai.Pinakatitigan ni Benito ang anak.“Wag mong gagawin yan. Baka isang araw magsisi ka na lang... At yang Ate mo, sigurado akong pagsisisihan niya ang hindi pagsunod sa akin… Hindi ko naman ginagawa ito para kontrolin ang buhay mo. Iniisip ko lang ang makakabuti sayo. Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon, pero balang araw.., pasasalamatan mo rin ako.” sambit ng lalaki.Napabuntong hininga na lang si Cacai. Ayaw niyang makipagtalo sa ama. Ayaw niyang mag-away sila. Hindi ito ang oras para kontrahin ang Papa niya. Gagawa na lang siya ng paraan para unti unting magbago ang isip ng ama kung totoo man ang sinasabi nitong intsik kuno sila. Didiskartehan na lang siguro niya kapag umabot na sila sa puntong arranged marriage na sinasabi nito.“Sige po pa, payag ako. Pero sa isang
Read more