A few hours ago… “Mathew” tawag ni Leon sa sekretarya nang hindi ito nililingon. Kasalukuyang binabasa nito ang hawak na report. Habang si Mathew naman ay nakatayo sa gilid ng mesa, hawak ang tablet at ilang printed documents. “Yes, Boss?” “Cancel all my out of town business trips this week.” utos ni Leon habang tutok sa ginagawa. “Boss?” Bahagyang umangat ang tingin ni Leon. “I’ll be working here.” anito saka muling ibinalik ang tingin sa binabasa. Hindi na sumagot si Mathew at napangiti. “Noted, Boss.” anito. “Forward mo na lang sa Pacific Air team ang updated instructions. I’ll handle approvals remotely.” Tumango si Mathew. “Yes, Boss.” “Also– “ dagdag ni Leon habang nililipat ang pahinga ng binabasang report. “I want daily system flow updates from operations.” “Direct to you, Boss?” “Direct.” “Understood.” Nahinto sila sa pag-uusap ng may kumatok. Napatingin si Mathew sa pinto. Lumakad siya palapit at tiningnan kung sino ang nasa labas. Bahagyang
Read more