Kinabukasan... Nakangiwi ang mukha ni Leon habang nakatingin sa motorsiklong hawak ni Cacai. “Sigurado ka, dyan tayo sasakay?” tanong ng lalaki na tila hindi makapaniwala. Halatang may kalumaan na ang motorsiklo, maliit at yung tipong mumurahin. Buong akala ni Leon ay sasakyan na pwedeng rentahan at pwede rin na siya na lang ang magdrive. Kahit may sugat ay kakayanin niyang magmaneho. Hanggat maaari, ayaw niyang magpasundo sa lugar na ito. Mahirap na, baka pati ang tahimik na baryo ay biglang magulo. Ngumiti si Cacai upang ipakitang walang problema. “Wala na pong ibang sasakyan sa baryong ‘to kundi itong motor na ‘to lang. Mabuti nga nauto ko pa yung may-ari kaya napapayag ko. Nakuha ko ng murang mura, presyong kapatid.” nakangiti at proud na sabi pa nito. Pinasadahan lang ni Leon ng tingin ang motor. Pansin ni Cacai na parang alanganin ang lalaki. “Okay na ‘to kesa maglakad. Mahirap na, baka dumugo pa yang sugat mo. Masisi pa ko ng mga tauhan mo.” “Sigurado ka bang gumagana
Terakhir Diperbarui : 2025-12-24 Baca selengkapnya