“Paluwagan?” kunot noong tanong ni Leon. Noon lang niya narinig ang salitang yun. Bahagyang napangiti ang mga tauhan sa reaksyon ni Leon na halatang hindi alam kung anong tinutukoy nila. Si Fred naman na isa sa kanila ay matiyagang ipinaliwanag kung ano ibig sabihin nun. “Ganito kasi yun, Boss. Mga estudyante mahilig sa ganyan, saka mga nanay. Parang nag-iipon lang yan eh. Halimbawa…, 10 libo, 10 ang kasali, 10 buwan. Monthly magbibigay kami ng tig-iisang libo. Oh eh di 10k na yun. Isa sa mga kasali ang sasahud nun kada buwan. Tapos tuloy tuloy lang yun hanggang sa makasahod na ang lahat.” Kumunot lalo ang noo ni Leon na tila naguguluhan. “Okay, ulit… ganito…” at inulit nga ni Fred ang pagpapaliwanag. Matalino si Leon, isa nga siyang matinik na negosyante pero nakailang beses pa na inulit ni Fred ang pagpapaliwanag. Maya maya pa ay makikita na ang frustration sa mukha ni Fred dahil ilang minuto na ay nagpapaliwanagan pa rin sila. Nagsalita si Leon. “I get it, naiintindih
Terakhir Diperbarui : 2026-01-14 Baca selengkapnya