Napalunok ako nang makita si Leon. Gulo ang buhok nito at halatang bagong gising. Pero bakit ganun, mukha pa rin siyang mamahalin. Hubad ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. Hindi namin siya sinoutan ng tshirt dahil sa sugat at benda nito sa balikat. “Iho, ayos ka na ba? Bakit bumangon ka agad?” may pag-aalalang sabi ni Ate Tesa nang mapatingin dito. “Wag mo munang piliting tumayo, mahina ka pa, baka mabinat ka.” patuloy nito. Mahina at mabagal na nagsalita si Leon. “Magbabanyo lang po.” tugon nito habang bumababa ng hagdan. Wow! Nakakagulat, marunong siyang mangupo. At mukhang kaya na nito ang sarili. Tatlong baitang lang naman ang hagdan kaya alam kong hindi ito mahihirapan. Nilingon ako ni ate Tesa. “Ineng, tulungan mo ang nobyo mo. Samahan mong magbanyo.” utos niya. “Po?” gulat na bulalas ko. Narinig ko ang boses ni Leon. “Hindi na po kaila–” “Mukhang hindi mo pa kayang igalaw yang kanang braso mo. Naku, baka matagtag yan at dumugo, mas malaking problema yan.” paalal
Terakhir Diperbarui : 2025-12-22 Baca selengkapnya