“Papa!” masayang sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko. Pagkabalik na pagkabalik ko kasi sa aking kwarto, agad kong tinawagan ang number ni Papa na nakasulat sa papel na ibinigay ni Leon. “Iska, anak?” masayang bungad niya nang marinig ako. “Ako nga po. Kumusta po kayo?” masayang sagot ko. “I’m okay. Ikaw, Maayos ka ba dyan?” tanong niya, halata ang pag-aalala sa boses niya. Umiling ako, hindi naman niya makikita. “Ayos lang po, Papa. May balita na po ba kayo kay Ate?.” Hindi agad nagsalita si Papa pero dinig ko ang kanyang malakas na pagbuntong hininga. “Wala pa rin akong balita sa Ate mo. Pero hindi ako tumitigil sa paghahanap sa kanya.” emosyonal na aniya. “Hayaan nyo po Papa, gumagawa na po ako ng paraan para makabayad kayo ng utang at para hindi na kailangang magtago pa ni Ate.” sabi ko kay Papa pero parang hindi naman niya yun sineryoso. Hindi niya siguro iniisip na kaya ko siyang tulungan. Sa halip na tumugon sa sinabi ko ay kinumusta lang niya ang pag-aaral ko. H
Terakhir Diperbarui : 2026-01-05 Baca selengkapnya