Cacai POV Sa isang linggong wala si Leon sa mansyon naging maayos naman ang lahat. Mansion at school lang ako buong araw. Pag-uwi ko sa hapon, ako ang nag-aalaga ng mga halaman lalo na sa vegetable garden simula nang magleave muna sa trabaho si Tinoy. Balita ko ay isa o dalawang linggo pa si Leon sa abroad dahil sa negosyo nito. Nalaman ko yun mula kay Papa Renz. Paminsan minsan ay nagtetext ako sa kanya. Hindi madalas dahil nakakahiya, ayoko namang istorbohin siya. Yung text ko, gaya ng: "Good Morning po." "Thank you po." "Pwede pong magtanong, kelan po balik ni Boss?" Para hindi naman obvious na gusto ko lang talaga siyang i-text. Tapos may kasamang smiley sa dulo. Ang bait nga niya, dahil nagrereply agad siya sa message ko. Tumatawag din ang ama ko araw-araw para kumustahin ang lagay ko. Habang tumatagal ay nasasanay na rin ako dito sa mansyon. Pati mga armadong lalaki, naging normal na lang sa akin. Hindi na ako kinakabahan tuwing makikita sila gaya ng dati. Mins
Terakhir Diperbarui : 2026-01-08 Baca selengkapnya