Pasimpleng itinulak ni Jonas si Arah para paalisin na ito. “Sandali… Ano ba talagang binabalak mo?” Ngumiti si Jonas sa kaibigan. “Di ba sabi ko sa yo, lalasingin ko nga yang Samantha na yan. Then palalabasin kong may nangyari samen.” Napatitig naman si Arah sa kaibigan. Akala niya ay nagbibiro lang ito noong sabihin yun. Pero sa mukha ni Jonas ngayon ay mukhang seryoso nga talaga ito. “Sigurado ka ba? Eh pano kung maghabol yan, pananagutan mo?” nag-aalalang tanong ni Arah. “Eh di aaminin kong tomboy ako. Hindi kami talo dahil may pokelya din ako.” tugon ni Jonas na hindi man lang kinabahan. Hindi tuloy napigilan ni Arah ang matawa. Habang si Jonas ay siguradong sigurado sa sinasabi niya. “Kapag sinabi ko yun, siguradong hindi na yan maghahabol. Sino ba namang gusto makasal sa kapwa niya may tahong? Pano yun, pompyang kaming dalawa?” Lalong lumakas ang tawa ni Arah at napahawak sa tiyan niya. Nang makabawi ay seryoso niyang kinausap ang kaibigan. “Besh, hindi mo naman kaila
Last Updated : 2026-06-19 Read more