Share

321 (Book 2)

Author: Kara Nobela
last update publish date: 2026-06-19 00:40:04
Samantala, kahit kulang sa tulog ay maaga pa rin na gumising si Arah upang magreport sa tanggapan ni District Director Santiago, ninong ni Arah na dating kasamahan sa trabaho ng kanyang ama.

May sasabihin daw ito kaya maaga pa lang ay ipinatawag na siya. At kapag mga ganito biglaang pagpapatawag ay nasisiguro ni Arah na napaka-importante ng kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Kaya medyo kinakabahan siya dahil bihira lang itong mangyari.

Sa halip na sa presinto ay sa headquarters dumiret
Kara Nobela

Abangan nyo po mamaya ang pa-video sa Face b00k ko. At yan na po ang Friday's update. Paalala, day off po ang lola nyo. Ingat po and have a great weekend everyone. See you on Monday.

| 91
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (18)
goodnovel comment avatar
Raquel Calayo
thanks po sa update miss kara..
goodnovel comment avatar
Ria Me
mukhang masaya ang dalawang kabayo miss A pag ginawan mo ng kwento...
goodnovel comment avatar
KC Ann Anciong
miss A gawan nyo din Yung dalawa,Peru please wag nyo nkalimutan si Liam at Dina,hehe miss A Gawin mu nlang Hanggang book 4 pra happy Po tau lahat thank you miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   323 (Book 2)

    Mabigat ang katawan na nagdrive siya pabalik sa presinto. At ilang minuto lang ang nakabalik na sila doon.“Nagulat talaga ako dyan kay Mrs. Delgado. kaloka, ginawang kabit yang beauty mo.” sabi ni Jonas pagkaupo.Napabuntong hininga si Arah at sumandal sa upuan.“Ako na nga ang tumutulong sa kaso nila noon, ako pa ang napasama. Sana lang maayos ko bago pa makarating sa mga kasamahan natin ang tungkol doon. Dahil siguradong makakarating yan agad kay Dad.”“Minsan ganun talaga lalo na at sobrang babaero ng mga asawa nila. Lahat na lang ng babaeng mapapadikit, iniisip nilang may relasyon sa mga asawa nila. Malas mo lang dahil isa ka sa mga napagbintangan.”Sasagot pa sana si Arah ng may lumapit. “Captain…” si Gina yun, ang records custodian at non-uniformed personnel. Maganda, seksi kaya maraming nanliligaw ditong mga pulis sa istasyon nila.Napalingon ang magkaibigan sa babae.“May bagong records request po mula sa prosecutor’s office.” magalang na sabi nito at inabot kay Arah ang pa

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   322 (Book 2)

    “Sorry Bes… ” wika ni Arah habang pinapanood ang kaibigan niya na nagrere-apply ng concealer sa leeg nito sa harap ng maliit na salamin.“Bruhang yun, may sa bampira pala. Pinapak ang leeg ko.” palatak ni Jonas habang abala sa ginagawa nito.Gustong matawa ni Arah pero ayaw niyang magalit ito sa kanya. Isa pa alam niyang hindi ito gustong mangyari ng kaibigan.“Di ko alam na abugado pala yun ni Renz. Kasalanan ko. Dapat talaga pinigilan kita noong una pa.” guilty na wika ni Arah.Inalis ni Jonas ang tingin sa salamin at kay Arah tumingin.“Eh kayo? Kumusta naman kayong dalawa kagabi?” tanong nito.“Hindi kami masyadong nakapag-usap. Iniwan ko siya. Nagpanic kasi agad ako nang malaman ko ang totoo kung sino si Samantha. Hinanap agad kita para pigilan. Kaso wala ka na. Tapos dumating pa si Dad. Kaya lalo na kaming hindi nakapag-usap.” salaysay ni Arah.“Eh sana sinabi mong magpapahatid ka na lang sa mga kabatch natin. Ano ka teenager, sinusundo ng parents sa school?” saad ni Jonas.Nap

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   321 (Book 2)

    Samantala, kahit kulang sa tulog ay maaga pa rin na gumising si Arah upang magreport sa tanggapan ni District Director Santiago, ninong ni Arah na dating kasamahan sa trabaho ng kanyang ama.May sasabihin daw ito kaya maaga pa lang ay ipinatawag na siya. At kapag mga ganito biglaang pagpapatawag ay nasisiguro ni Arah na napaka-importante ng kung ano man ang sasabihin nito sa kanya. Kaya medyo kinakabahan siya dahil bihira lang itong mangyari.Sa halip na sa presinto ay sa headquarters dumiretso si Arah kung saan nakabase si Santiago.Pagpasok pa lang ni Arah sa opisina ay agad niyang napansin ang seryosong mukha ng Director.“Umupo ka muna.” sabi ni Santiago pagkatapos niyang sumaludo dito.Tahimik na sumunod at naupo si Arah sa harap ng mesa nito.May inayos lang saglit si Santiago ng mga dokumento. Tapos ay itiniklop saka binalingan si Arah.“Bitawan mo na ang kaso ng NorthPoint.” pagkuway sabi nito.“Po?”“Masyado nang matagal ang ibinigay kong oras para tapusin yan. At wala

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   320 (Book 2)

    Kinabukasan.. Magaan ang pakiramdam nang magising si Jonas. Sa katunayan ay matagal na siyang hindi nakakaranas ng ganoong kasarap na tulog. Napangiti siya habang pikit pa. Muling bumalik sa isip ang napakagandang panaginip. Isa raw siyang cowboy sa isang malawak na rancho. At hindi lang siya basta simple at ordinaryong cowboy doon. Siya raw ang pinakamahusay na mangangabayo. Buong gabi raw siyang nakikipag karera. Parang naririnig pa niya ang malakas na paghahabol ng kanyang hininga. Naalala pa niya na napakatigas ng ulo ng kabayo at ayaw nitong sumunod. Kaya pinalo niya ito sa pwèt nang ilang ulit hanggang sa mamula. At sa huli ay nagkasundo sila. Muli na namang napangiti si Jonas. “Grabe, siguro cowboy talaga ako noong past life ko.” bulong niya sa sarili. Pero maya maya pa ay may isa na namang alaala mula kanyang panaginip ang biglang pumasok sa kanyang isip. Parang nahulog yata siya. Oo, naaalala niya. Nahulog siya. Napahiga siya at lumapat ang likod ng kat

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   319 (Book 2)

    Kausap ngayon ni Arah sa buffet ang isang dating kaklase. Nagkumustahan lang sila pagkatapos ay nag-excuse din naman agad siya.Nagtungo siya sa isang mesa na medyo malayo sa mga tao. Kanina pa kasi siya nakikipag-usap sa iba at ngayon parang gusto muna niya sa tahimik na pwesto.Hindi pa siya nagtatagal doon ng mapatingala siya. May huminto saka naupo sa tabi niya, si Renz. Kaya agad na nagliparan ang mga paru-paro sa loob dibdib niya.“Enjoying the night?” tanong nito.Bahagyang napangiti si Arah. Totoong ngiti kahit pa may halong kaba.“Mas okay kesa sa inaasahan ko.” aniya at natural lang yun na lumabas sa bibig niya.Tumango si Renz. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Nagulat si Arah dahil wala siyang awkward na naramdaman. Sa halip ay komportable lang siya sa presensya ng binata. May kaba oo, pero hindi takot. Kundi yung pakiramdam gaya nung mga teenager pa sila.Maya maya pa’y narinig niyang tumikhim si Renz bago ito nagsalita.“So.., how’s life after high school?” pa

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   318 (Book 2)

    Pasimpleng itinulak ni Jonas si Arah para paalisin na ito. “Sandali… Ano ba talagang binabalak mo?” Ngumiti si Jonas sa kaibigan. “Di ba sabi ko sa yo, lalasingin ko nga yang Samantha na yan. Then palalabasin kong may nangyari samen.” Napatitig naman si Arah sa kaibigan. Akala niya ay nagbibiro lang ito noong sabihin yun. Pero sa mukha ni Jonas ngayon ay mukhang seryoso nga talaga ito. “Sigurado ka ba? Eh pano kung maghabol yan, pananagutan mo?” nag-aalalang tanong ni Arah. “Eh di aaminin kong tomboy ako. Hindi kami talo dahil may pokelya din ako.” tugon ni Jonas na hindi man lang kinabahan. Hindi tuloy napigilan ni Arah ang matawa. Habang si Jonas ay siguradong sigurado sa sinasabi niya. “Kapag sinabi ko yun, siguradong hindi na yan maghahabol. Sino ba namang gusto makasal sa kapwa niya may tahong? Pano yun, pompyang kaming dalawa?” Lalong lumakas ang tawa ni Arah at napahawak sa tiyan niya. Nang makabawi ay seryoso niyang kinausap ang kaibigan. “Besh, hindi mo naman kaila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status