Samantala, sa mansyon ni Leon Aragon…“Kailan ko ba madadatnang gising ang mga pamangkin ko?” pabirong sabi ni Renz sa mahinang boses habang pinagmamasdan ang kambal nina Leon at Cacai sa kani-kanilang crib.“Dalas dalasan mo kasi ang pagbisita mo para makita mo silang umiiyak.” ganting biro ni Manang habang si Cacai ay nagtitiklop ng damit ng kambal.“Oo nga para naman, makatulong ka sa pagpapalit nitong diaper.” aniya.Napangiti si Renz.“Bakit, si Leon ba marunong magpalit?” tanong nito.Lumawak ang ngiti ni Cacai.“Aba.., mas mahusay pa yun kesa saken. Nagagalit pa nga kapag hindi maayos ang pagkakalagay ko.” natatawang kwento nito.Napangiti si Renz dahil sa narinig. Hindi niya kailanman naimagine yun. Pero natutuwa siyang makita na masaya na si Leon sa buhay nito ngayon. Ang totoo ay sobrang disappointed siya noon una, noong muli silang nagkita ni Leon pagkalipas ng maraming panahon. Malaking bahagi si Leon sa pagbuo ng pangarap niya dahil ipinangako niya rito na ibang Renz na
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-06-09 อ่านเพิ่มเติม