Inihatid ni Bong sina Neil at Elise sa eskuwela. “Bye, Papa!” sabay nilang halik sa pisngi niya, isa sa magaan na ritwal ng umaga.“Ingat kayo. Mag-aral nang mabuti. Be a good boy and girl, ha?” Laging gano’n ang paalala ni Bong. Simple, pero punong-puno ng pagmamahal.“Yes po!” sigaw ni Elise. Si Neil, dahil Grade 12 na, ngiting pilit lang ang naibigay.Habang naglalakad sila papunta sa gate, agad nang nangingialam si Neil.“So… what did Mom tell you, bunso?” May ngisi sa labi, parang detective na nanghuhuli ng lihim.“Ayy! Secret! For girls only!” Napapadyak pa si Elise sa inis.“Hmm? Fine. Kung ayaw mo sabihin…” Ngisi ulit ni Neil, parang nang-aantok pero nang-aasar.Hindi pa sila umaabot sa hallway nang biglang sumulpot ang mga kaibigan ni Elise.“Hi, Kuya Neil!!” Sabay-sabay pa. Sina Angel, Khien at Akira.Si Neil, bahagyang ngumiti. Si Elise naman ay napairap.Kasunod naman ay lumapit ang tropa ni Neil na sina Marcus, Patrick at Neon, kasama ang isang babaeng mukhang bagong r
Última actualización : 2025-12-07 Leer más