Guison POVHindi ko na alam kung kailan eksaktong nawala ang nararamdaman ko para kay Madison. Siguro unti-unti simula nung mag-away kami sa condo niya. Kung hindi lang sana ako naging madaldal nung lasing ako, baka maayos pa rin kami hanggang ngayon. Ngayon, malinaw na sa akin, kalaban ko na rin siya. Kaya pala wala na siyang lambing nung last time na magkita kami, tapos bigla na lang siyang nawala sa condo niya. Iyon na pala ang umpisa nun.Pero kung may natutunan ako sa lahat ng pagkatalo ko, ito iyon: kung hindi mo kayang pigilan ang bagyo, sumabay ka sa ihip ng hangin.At ngayon, ang hangin ay si Tita Madella.Ang mama ni Madison. Siya ang lumapit sa akin, alam niya kasi kung sino ang taong dapat niyang lapitan. Isang hapon, ipinatawag niya ulit ako sa sikretong opisina niya. Tahimik doon, malamig, amoy mamahaling pabango at kahoy ang buong silid.“Guison,” panimula niya, matalim ang mga mata. “Alam kong payag na payag ka na, kaya gusto kong malaman kung siniseryoso mo ba ang la
Last Updated : 2026-02-25 Read more