Ralia POVToday is island hopping day. Isa ito sa inaabangan naming magkakaibigan. Paglabas namin ng kuwarto, nadatnan na namin sina Jason, Borgie, Felicity, at Madison sa may dining area ng villa. Nakahain na ang breakfast, fresh fruits, toasted bread, scrambled eggs, at mango juice na naman. Marami kasing natirang mango kahapon kaya gumawa na naman siguro sila.“Uy, gising na ang mga VIP!” sigaw ni Borgie habang nagkakape.“Excited na ako!” halos tumalon si Felicity sa tuwa. “First time ko mag island hopping dito!”Napangiti ako sa energy niya. Umagang-umaga e, full charge agad.Tahimik lang si Madison habang umiinom ng juice, pero halata ko na nag-eenjoy din siya kahit papaano. Si Jason naman, nakatingin kay Felicity habang nagpapalaman ito ng peanut butter. Marami na rin ang nakakapansin na parang may pagtingin siya kay Felicity. At kung ako naman ang tatanungin, bagay naman silang dalawa.“Guys, bilis ang kain at gayak, maaya tayong aalis. Naka-set na ang lahat,” sabi ni Borgie
Magbasa pa