Ralia POVPagbukas ko ng phone ko, nakita ko agad ang message ni Aleron. Tapos na ang shooting namin ngayong araw at nasa sasakyan ako at pauwi na, pero bigla siyang nagkaroon ng problema.“Ralia, kailangan ko ng help mo. Kausap ko dito sa meeting room sina Direk Bobby at ang ibang co-artist natin. Hindi ko namalayang maanghang pala ang pagkain namin. Please, bumalik ka. Tulungan mo akong makaalis dito, nakakaramdam na ako ng ano. Alam mo na, ina-allergy na ako.”Napasapo na lang ako sa ulo ko. “Kuya, balik tayo sa location. Kailangan kong sunduin si Aleron,” sabi ko sa driver ko. Mabuti na lang at may sarili akong car na dala ngayon, dala-dala ko si Sassy Ube, habang sa artista van ay naroon ang glam team ko.Mabilis kaming nakabalik sa location dahil hindi pa naman kamin nakakaalis. Pagdating doon, inabutan ko ng pera ang driver ko. “Heto, mamasahero ka na lang pag-uwi. Ako nang bahala sa sarili ko,” sabi ko sa kaniya.“Sige po, Ma’am, mag-ingat po kayo,” sagot sa akin ng driver.Bu
Last Updated : 2026-02-12 Read more