Ralia POVBusog na busog ako, matapos ang masarap na dinner kasama sina Mama Mia at Papa Anwir, umupo ako sa sala habang may hawak na isang tasa ng tsaa. Bilang buhay showbiz, sinasanay ko na ulit ang sarili kong uminom ng tsaa kapag napaparami ng kain, lalo na sa gabi.Hindi pa kami natulog nun, nanuod pa kami ng TV kasi ang sabi, puwedeng ulitin sa mga commercial ang teaser ng movie namin. Eh, gusto pa raw nila ulit mapanuod. Hinahayaan ko na lang dahil maging ako, ganoon din ang gusto.Pagbukas ko ng TV, balita ang unang bumungad.Normal na headline. Traffic. Politics. Bagong proyekto ng gobyerno. Wala namang kakaiba.Hanggang sa biglang nagbago ang tono ng anchor.“Sa iba pang balita, isang lalaki ang nasawi sa isang aksidente sa highway kanina-kanina lang.”Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko. At pagkatapos, lumabas na ang larawan ni Guison, kasabay ang malaking title sa screen.“Guison Fernandez, dating asawa ng aktres na si Ralia Colyarga, patay sa car accide
Read more