Ralia POVPagkatapos ng shooting sa beach noong araw na iyon, akala ko tapos na ang trabaho ko. Pagod na pagod ang katawan ko. Ramdam ko pa ang init ng araw sa balat ko. Iba talaga kapag sa beach ang shooting, hindi puwedeng ‘di ka iitim at magkaka-sunburn, kahit sabihin na naka-sunblock ka pa. Gusto ko na lang sana umuwi sa penthouse, maligo, magpahinga at matulog.Pero habang nasa van ako pauwi, nag-vibrate ang phone ko.Manager Julie is calling. Agad ko namang sinagot dahil alam kong kapag tumawag siya, mahalaga ang sasabihin niya.“Hello?” sagot ko.“Ralia, may dinner meeting ka tonight.”Napakunot ang noo ko. “Tonight?”“Oo. Invitation ni Boss Kevin.”Bigla akong napatuwid ng upo. Si Kevin Esteban. Ang pinaka-boss ng Star TV Network. Ang CEO.Hindi siya basta-basta nagpapatawag ng artista. Kapag nagpatawag ito, aba, isa lang ang ibig sabihin, may big project na namang kinakasa.“Ako lang po ba? Hindi kasama si Aleron?” tanong ko.“Ikaw lang ang binaggit, e,” sagot ni Julie. “Sabi
Read more