Madison POVUmuwi ako sa bahay na halos lugmok ang itsura ni Mama. Nakaupo siya sa sofa, tulala at halos hindi maipinta ang mukha. Habang tumatagal, habang nilalamon pa rin siya ng inggit, galit at pagkabaliw sa paghihiganti sa mga Colyarga, heto at panay naman ang balik ng karma sa kaniya. Na para bang imbis na magantihan niya sina Tita Mia at Ralia pero sa huli, siya ang nalalagay sa alanganin. Sa galit ni Tita Mia dahil nagsumbong na ako kay Ralia, heto, tinuluyan na siya nito. Ngayon, halos pa-bankrupt na ang negosyo niya.Naaawa lang ako kay Papa. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari kay Mama. Mag-asawa sila pero marami siyang hindi nalalaman sa mama ko.Gusto kong lapitan si mama para icomport, pero hindi na. Ilang beses ko siyang sinabihan, pinigilan at kinausap, pero galit ang namuo sa kaniya. Mas matanda siya sa akin, saka mama ko siya. Mas alam na niya dapat at ang mali.Nung lagpasan ko siya, bigla itong nagsalita. “Talagang lalagpasan mo lang ako, Madison?” sabi niya kaya
Read more