Nanginginig ang katawan ko, hindi dahil sa takot. It was because of rage, fear, and disbelief swirling inside me like a storm I couldn’t control.Lahat ng pag-aari ko, lahat ng pinaghirapan ko, nawala sa isang iglap.Paanong nauwi sa ganito ang araw ko?Oo, totoong halos lahat ng mayroon ako ay galing sa pera ng mga naging boyfriend ko, pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi ko na pinaghirapan ang mga iyon.I gave my time, my effort, and yes, even my pride just to get everything I had.Amoy na amoy ko pa rin sa balat ko ang bakas ng usok, na humalo sa cologne ng kaniyang sasakyan.Gusto kong sumigaw. Gusto kong kalmutin ang mukha ng lalaking may kagagawan kung bakit napunta ako sa sitwasyong ito. Kung kaya ko lang din tumalon palabas ng kotse kahit mamatay pa ako sa gitna ng kalsada, gagawin ko.Ang kaso wala na akong lakas. Naubos na kanina. Nagsilbi akong estatwa sa kinauupuan katabi ang hayop na lalaki. Hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin dahil pakiramdam ko'y nagkabuhol-
Last Updated : 2025-12-08 Read more