Bigo kong naipikit ang mga mata dahil nagtatalo na ang pagkatao ko sa utak ko.Ang sabi ng lalaking iyon ay akin na ang mga iyon. Binili daw niya ang lahat ng iyon na nagkakahalaga ng mahigit sampung bilyon. So, kapag ibebenta ko na, puwede pa akong magpatong ng presyo. Maganda naman ako kaya sigurado akong may mga bibili talaga kahit sobrang mamahal.That way, hindi lang ang sinasabi niyang utang ko sa kaniya ang mababayaran ko. Puwedeng-puwede ko na rin siyang layasan kasi malaki ang makukuha kong pera kapag naibenta ko lahat.Tama. Iyon na lang ang gagawin ko.I'm so sorry, mga bebeloves ko. Hindi bale, kapag nagka-boyfriend na ako ng sobrang yaman, like mas mayaman pa sa buwisit na lalaking ’yon, bibilhin ko rin kayo. For now, you have to sacrifice for your goddess master.Bigla akong natawa sa mga naisip ko. Kung iisipin, parang ang dali lang gawin. Pero ang totoo niyan, baka nga nauna na niyang naisip ang plano kong ito.Katulad kanina. Akala ko siya na ang mauutakan ko kasi bay
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-12 อ่านเพิ่มเติม