Sa mga sumunod na araw, ipinagpahinga ko na lang ang sarili ko. Hindi na ako nagpumilit tumayo o maglakad-lakad man lang. Dito lang talaga ako sa kuwarto namalagi. Kung hindi ako nanonood ng Hollywood movie sa cellphone, tumatambay naman ako sa social media accounts ko.Shaun was always there, sitting silently in the corner, eyes glued to his laptop. Minsan ay naririnig ko siyang may kausap sa cellphone, probably about work.Pero kahit na magdamag siyang nandito, bihira kaming mag-usap. Well, sa parte niya, sinusubukan niyang maging kaswal sa akin, lalo na kapag pinapalitan ng hinire niyang nurse ang dextrose ko.Balik sa normal na ang pakiramdam ko ngayon. Kakatanggal lang ng IV fluids kanina kaya malaya na rin akong makakalakad ngayon.***“Gusto mong dito na ulit tayo mag-lunch, o baka gusto mo nang sa hapag sa baba?”Napaisip ako sa tanong ng damuh0. Araw-araw niya kasi akong sinasabayan kumain dito. Ang OA niya rin talaga kasi kahit kaya ko namang kumain mag-isa, nakikiepal pa ri
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-21 อ่านเพิ่มเติม