LOGINLUNES, isang buwan na ang matuling dumaan sa buhay ni Vanessa. Isang buwan na parang sa tingin niya ay isang linggo lang. Mas lalong tumindi at naging dahas sa kaniya ang kaniyang asawa na si Gian. At ang mas malala pa ro’n, nagdadala na ito ng lalaki sa bahay nila.
Este, bahay nito. Para bang pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nag e-exist sa buhay nito. Gano’n naman talaga ang ginagawa ni Gian. Lahat ng gawin niya ay hindi nito pinapansin at binabaliwala. Naalala niya no’ng isang araw, masaya pa siyang inayos ang design sa loob ng guest room kasi balak niyang doon matulog dahil hindi talaga siya comfortable na do’n matulog sa maid’s quarter ng bahay. Sobrang nagalit si Gian sa ginawa niya at naging away nilang dalawa iyon. Dapat daw kasi hindi siya nagingialam dahil hindi naman daw niya bahay iyon at dapat daw siyang makuntinto. Sabagay, totoo naman kaya wala na siyang nagawa kun’di tanggapin ang desisyon at galit ng asawa. “Lalim ah? Muntik na ‘kong malunod.” Tumabi sa kanya si Sharon—ang pinsan niyang kinasal sa araw na ito. “May problema na naman ba?” inayos nito ang wedding gown na pinagtulungan nilang ginawa. Bagay na bagay sa pinsan niya ang suot nitong wedding gown. Ang wedding gown na pinangarap niya talagang suotin. Iba ang gustong wedding gown ng pinsan niya pero ang hindi niya iyon sinunod. Ang itinahi niya ay ‘yong gusto niyang suotin sana sa kasal niya ngunit hindi nangyari. Umiling siya bago tumingin sa katabi niyang pinsan. “Oh, bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang nasa holy week.” Tumawa ito at muling nagseryoso. “Nag-away na naman ba kayo sa bakla mong asawa?” “Ate naman —” “Bakit na naman? Ipaglalaban mo na naman na hindi bakla ‘yang nakakagigil na ex-best friend ko?” tukoy nito kay Gian. Ibinalik niya ang tingin sa hawak na cellphone, hindi na siya sumagot upang tumutol sa sinabi ng pinsan niya. Ano pa bang silbi kung sasabihin niyang hindi ito bakla, ‘di ba? Eh kahapon nga lang nag-uwi na naman ito ng lalaki sa bahay . Sa bahay nito, duh! Kahit isang million pa na lalaki ang iuwi mo. Wala raw akong paki. K, fine! Tingnan natin kung hindi ka magka-aids, gigil mo ko Gian, bulong niya sa sarili na para bang maririnig siya ng asawa. Hanggang bulong lang naman siya. “’Wag ka ngang martyr, Vanessa. Nagmumukha ka na talagang tanga eh.” Sharon sighed before continue. “But, kung iyan talaga ang gusto mo, edi sasabayan na lang kita sa pagkakatanga mo.” Mapait itong ngumiti. Niyakap niya ang Ate Sharon niya. “I really really love him, Ate.” “Don’t worry, magigising din ‘yang si Gian.” Sana nga Ate, sana nga. Hiling niya at pag sang-ayon sa sinabi ng Ate Sharon niya. Hanggang sana na lang ba talaga siya? NANG makaramdam siya ng uhaw ay pumunta siya sa may pinakamalapit na water dispenser. Wala siya sa mood para uminom ng kahit na anong hard drinks or soft drinks man lang. She only need water to satisfy her thirst. Kumuha siya ng isang disposable cup bago magsalin ng tubig pero bago pa siya nakalapit ay may nakauna na sa kaniya. She raised her eyebrows at tiningala ang mapangahas na lalaking iyon. “Ikaw na naman?” singhal na tanong niya. Ang lalaki sa tricycle. Ang lalaking sinabihan niya na mabaho ang kilikili. Lihim siyang napatawa. “Don’t worry. Naglagay na ko ng deodorant. Mabango na ‘yan, kahit amoyin mo pa,” wika nito at iniwan siya. Wala sa sariling sinundan niya ng tingin ang lalaki. At laking pagtataka niya nang lumapit ito sa asawa ng pinsan niya. Kaano-ano nito si Sir Lloyd? Gulat niyang tanong. Her phone rang, agad na nataranta si Vanessa. Baka kasi si Gian na naman iyon at hinahanap siya. Hindi pa naman siya nakapagpaalam ng maayos dito. Ayaw kasi nitong um-attend siya sa kasal ng pinsan niya. Nag-away kasi ang dalawa, no’ng mismong araw na ginawa nila ang wedding gown ng Ate Sharon niya. Her Ate Sharon confronted her husband tungkol sa mga ginagawa nitong pagdadala ng lalaki sa bahay. Kahit saang anggulo naman talaga tingnan, hindi maganda ang ginagawa ng asawa niya. But of course, Gian will always be Gian. Syempre, nagalit ito, nagdabog at ang masama pa ay nagwala ito. Pinagbabato nito ang mga gamit na naabot ng kamay nito. Kasi raw wala silang pakialam kung ano man ang gawin nito sa buhay. Gian tried to hit her cousin, buti na lang ay naagapan niya. Kaya siya ang napagbuntunan nito ng galit. Ano ba namang laban nila kay Gian? ‘Di hamak na mas malakas ito sa kaniya. To be honest, hindi na niya kilala si Gian. Her husband turn into a real monster. Hindi na siya nito pinapalabas ng bahay kapag walang permiso nito. Walang kaalam-alam ang Daddy niya sa pagbabago ng ugali ni Gian at wala siyang plano na sabihin ito. Umaasa pa kasi siyang magbabago ito, na parang wala namang kunting possibility. Taranta niyang binuksan ang dalang black na shoulder bag upang kunin ang cellphone niya. Nagagalit kasi si Gian kapag hindi agad nasasagot ang tawag nito. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pangalan ni Mae sa screen ng cellphone niya at hindi ang pangalan ng demonyo niyang asawa. Bakit kaya wala si Mae ngayon? Tanong niya sa sarili bago sinagot ang tawag ng pinsan. She cleared her throat. “Mae?” pinakalma niya ang sarili. Hindi na kasi normal ang tibok ng puso niya. Malinaw na narinig niya sa kabilang linya na umiiyak ito. “Hey, Mayang? Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” sunod-sunod na tanong niya sa kaniyang pinsan. “Vanny…” Humikbi na naman ito. “Alam na ni Mommy. Galit na galit siya,” dagdag nito na pati siya ay nakaramdam ng kaba. Hindi agad nakasagot si Vanessa. Knowing Mae’s Mom, sobrang strict ito sa pinsan niya at may pagka-perfectionist din ito. Sobra. “Anong gagawin ko ngayon? Gusto ni Mama na ilayo ako.” “Ha? Sa’n daw kayo pupunta?” “She’s really mad, Vanny. Do’n daw muna ako kina Lola.” “Sa Isla?” gulat na tanong niya na mas lalong ikinalakas ng iyak nito. “Oo, sa Isla Berde.” MAKULIMLIM ang kalangitan at malakas ang hangin na may dalang ginaw na yumayakap sa katawan ni Vanessa. Alas-kuwatro palang ng hapon ng araw na iyon pero inaagaw na ng kadiliman ang sinag ng araw. Hinaplos ni Vanessa ang giniginaw niyang braso, hindi kasi siya nakadala ng jacket man lang kanina bago siya pumunta sa kasal ng pinsan niya. Hindi pa tapos ang reception ng kasal ng pinsan niya pero umuwi na siya. Bigla kasing tumawag si Nanang Delia at ibinalitang mapapaaga ang uwi ni Gian sa bahay. Ni hindi nga niya alam kung saan nagpunta ang mabuti niyang asawa. Ang sabi lang nito sa kaniya ay five days itong hindi uuwi. Hindi na niya nakuhang tanungin pa si Nanang Delia kung bakit mapapaaga ang uwi ni Gian, hindi na siya nagsiyasat pa. Kasi nga raw diba? Ano bang pakialam niya? Magdadalawang buwan na sila pero hindi pa rin siya tanggap nito. “Nanang Delia?” tawag niya sa ginang. Hindi na umuuwi ang ginang, dito na ito tumutuloy sa bahay na siya namang ikinasaya niya. Sa wakas, may karamay na rin siya. Ngumiti ito sa kaniya. “Nako, ‘buti naman Ma’am nakauwi kayo kaagad.” Lumapit ito sa kaniya at kinuha ang dala niyang bag. “Hinanap kayo sa akin ni Sir, halos ‘di ko alam kung anong isasagot ko.” Tanging si Nanang Delia lang ang kakampi niya sa malaking bahay na ito. Si Nanang Delia rin ang naging mata at tainga niya kay Gian, sa ginang siya nakakakuha ng mga impormasyon. Tanging ang ginang lang kasi ang pinagkakatiwalaan ng asawa niya. Bumuntonghininga siya. “Anong sinabi mo Nanang?” “Sinabi ko na nagpapahinga ka. Ayoko rin namang ilaglag ka.” She feel relief. “Maraming salamat po, Nanang.” A thankful smile form in her lips, exposing her two dimples. Nanang Delia held her hand. “Pero alam mo, Ma’am. Naniniwala pa rin akong magkakasundo ulit kayo.” “Ako rin naman po, Nanang. Pero kung hindi siya titigil sa ginagawa niya—” “Hindi ako naniniwalang may lalaki ang asawa mo.” Pagputol nito sa sinabi niya . “Eh anong tawag mo sa mga lalaking dinadala niya rito sa bahay, Nanang? Friend niya?” “Sabagay.” Humakbang ang ginang at lumapit sa mesa. Nagluluto ito ng hot cake. “Huwag na nga muna nating pag-usapan iyan, Ma’am. Mas lalo akong tumatanda eh,” natatawa nitong sabi. “Vanessa na lang kasi, Nanang. Hindi mo naman ako ang amo mo rito eh.” “Asawa ka ni Sir kaya—” “Wala nga akong asawa, Nanang Delia!” Rumagasa ang kaba sa kaibuturan ni Vanessa nang marinig sa dalawang tainga niya ang mga salitang binitawan ng kaniyang asawa. Para siyang isang magnanakaw na nahuli ng may-ari. Hindi maililihim ang kaba na nararamdaman niya kapag si Gian ang may dulot. Hindi niya alam kung natatakot lang ba siya kaya ganito ang reaksiyon ng puso niya o nai-excite lang siya sa presensiya nito. Excited? Are you for real, Vanessa? Sa lahat ng ginawa ng asawa mo, may gana ka pang ma-excite? Saway ng utak niya. She heard a hard footsteps coming from her husband. Even his footsteps can make Vanessa nervous in just a split of seconds. Nervous, ‘yan marahil ang tamang salita sa nararamdaman niya ngayon. Hindi siya excited! Hindi! Alam niyang nasa likuran na niya si Gian at handa na siyang saktan nito. Ramdam niya ang presensiya nito at base pa lang sa kaba na nararamdaman niya at idagdag pa ang tension na makikita sa mukha ni Nanang Delia. “At ikaw babae, saan ka naman galing? Bakit ganyan ang suot mo? Nag mukha kang p****k. Pumunta ka talaga sa kasal ng walang hiyang pinsan mo?” pagalit nitong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot kahit kating-kati na ang dila niya. Hinintay na lang niya ang sampal na ibibigay nito sa kaniya o hindi kaya ay ang paghila nito sa buhok niya. Tiningnan niya sa mata ang ginang na kinakabahan na rin ngayon. “Sagutin mo ako! P*****a!” “Sir—” “Hindi ikaw ang tinatanong ko, Nanang Delia.” Pagputol nito sa mga sasabihin pa sana ni Nanang. Nilingon niya si Gian. Sagad na sagad na ang pasensiya na. Tama na ang ginagawa nito sa kanya! Sino ito para tawagin siyang p****k? “Una sa lahat, hindi ako p****k! Ikalawa, hindi walang hiya ang Ate Sharon ko, dahil alam nating lahat kung sino ang walang hiya rito, Gian—” “Anak ng puta! Sinasagot mo na—” “No, tinatama ko lang ang sinabi mo kanina.” Tiningnan niya si Gian, nakasuot ito ng itim na short at naka-jacket. May hawak itong bag samantalang nasa likod nito ang kasama nitong lalaki na sa tingin niya ay kasing-edad lang niya. Lalaki na naman, Gian? Nagdala ka na naman ng lalaki rito? “May kasama ka pala, Sir Gian. Enjoy!” Lumapit siya sa kasama nitong lalaki at kinuha ang bag nitong bitbit. “Ako na po ang magdadala nito, Sir.” Kaya naman pala tudo deny na hindi niya ako asawa, dahil nagdala na naman ng lalaki. Hay nako! Bulong niya sa sarili. Kailan pa kaya magbabago ang asawa niya? O magbabago pa kaya ito? “Nako, ‘wag na po. Ako na po, mabigat po ito,” nahihiyang sabi ng kasama ng asawa niya. Sayang, gwapo ka naman pero bakit pumatol ka sa bakla? Bulong niya. “Sige, ikaw ang bahala. Wala namang dapat ikahiya sa’kin eh.” Kasi asawa lang naman ako nitong kalandian mo. Lumapit siya sa lalaki at bumulong, “Alam mo, si Sir Gian? Maitim ang bayag niyan tapos madali pang labasan. Ewan ko lang talaga kung mag-e-enjoy ka.” Kumunot ang noo nito kaya tumawa siya at kinindatan ang lalaki. “Well, hope you enjoy.” Nakakaloka, bakit niya sinabi iyon? Nakakainis din naman kasi, sinabihan na nga siyang mukha siyang p****k, harap-harapan pa kung magdala ng lalaki. May motel kaya, haler? Dios mio, ang hirap pala kung bakla ang asawa dahil hindi babae ang kaagaw mo kun’di lalaki. Hindi niya tuloy alam kung advantage ba iyon o hindi. Napailing na lang siya. Ano pa bang magagawa niya? “Let’s go up, Klenth.” Narinig niyang wika ng asawa niya. So, Klenth pala ang pangalan nito. Ano kaya kung agawin niya ang lalaki ng asawa niya? Total mas lamang naman siya diba? May pussy siya, may matris at may boobs. Samantalang si Gian, wala. Wala kahit matris man lang. Tapos ito pa may ganang manlalaki. Gigil ang pussy niya! So, hindi mahirap na agawin dito si Klenth. Ano ‘to, Vanessa? Aagawan mo pa ng lalaki ang asawa mo? Nakakagigil na kayo ha? Tutol ng matinong utak niya. Hay nako! Ano na naman itong naisip ko. Kunting-kunti na lang, sa mental na bagsak ko nito. Kumuha siya ng hotcake sa mesa at kumain. Pisting buhay ‘to!DAHAN-DAHAN niyang pinagapang ang kamay sa may bandang tiyan niya pataas sa umbok niyang dibdib. Rumaramdam, pumipisil, at dumadama. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. She just feel that she really need to do this. Kasi kung hindi, parang hindi siya kakalma.Umayos siya ng higa sa kama pagkatapos mahubad ang suot niyang manipis na nightgown. Tanging panty na lang niya ang natira sa katawan ni Vanessa. Inalis niya ang kumot sa kaniyang katawan, pakiramdam ni Vanessa ay sagabal lang iyon sa gagawin niya at dumadagdag iyon sa init na bumabalot sa kaniyang buong katawan. Mainit ang kaniyang pakiramdam.Dalawang araw na siya sa bahay nila pero walang Gian sumundo sa kaniya. Hindi sa nag-eexpect siyang kukunin at susunduin siya ng asawa pero… Okay fine! Umaasa talaga siya, hindi naman mali iyon ‘di ba? May karapatan naman siguro siyang umasa.Wala naman sigurong masama kung aasa si Vanessa. Baka naman sa loob ng limang buwan na pagsasama nila ay nakaramdam na ito ng kahit kunting
HINDI na nagsayang pa ng oras at panahon si Vanessa. Matapos niyang marinig ang papalayong sasakyan ni Gian ay agad niyang pinahiran ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga mata na kahit ilang beses na niyang pinahiran ay ayaw pa ring tumigil sa pagtulo. Gulong-gulo ang isip niya at idagdag pang doble ang sakit na nararamdaman niya.Dahan-dahan siyang tumayo, humawak pa siya sa pader para maalalayan ang sarili. Palagay niya’y hindi niya kayang tumayong mag-isa, kailangan pa niyang may hawakan siya upang makatayo. Hinang-hina ang kaniyang pakiramdam, diin na diin ang pagkasaksak ni Gian gamit ang mga matatalim na salita.Nanginginig pa rin siya, nanginginig ang tuhod at bawat kalamnan niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito — awa, lungkot at sakit. Pero ang awa sa sarili ang mas nangingibabaw ngayon. Naaawa siya sa sarili dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya kayang patawarin ni Gian at sa hindi nito pagbigay ng panahon sa kaniya upang magpali
SHE’S wearing a white halter neckline dress with a tie back. It’s a bonnie type and the length of her dress is an ankle level. A long dress that made her elegant and sophisticated. She’s wearing a back negligee necklace that make her neck so much adorable.For her toes, she’s wearing a black T-strap that hugged her feet in so much glamorous way. Lumilikha iyon ng tunog sa bawat yapak na ginagawa niya. She’s wearing a cheerful smile in her heart shape lips that also wears a light pink lipstick.Makintab ang shiny niyang buhok na hanggang baywang, naka-ponytail iyon at bagsak na bagsak. Kailangan pa niyang magpa-rebond para magaya ang buhok ng pinsan niyang si Sharon. Gusto lang niyang maging straight ang buhok niya kahit panandalian lang.Wala na siyang maramdaman na kaunting inggit sa halos perpekto na niyang pinsan. Na-realized niya kasi, bakit kailangan niyang mainggit? She’s unique in her own way. Wala siyang naiisip na dahilan para kainggitan pa ang pinsan.Mahal naman niya ang me
WALANG gana siyang kinuha ang tinidor na nasa plato niya at tinusok iyon sa ham na hinanda ni Nanang Delia at nilagay sa sliced bread. Kanina pa siyang nakatulala at parang kinakausap ang tinapay kung kakainin ba niya o hindi. Hindi rin makitaan ng kung anong emosiyon ang mga mata niya. Mula nang lumabas siya ng kuwarto ay walang salitang lumabas sa bibig niya kahit kanina pa siya kinakausap ni Nanang Delia.Tumingala siya at sinulyapan ang kuwarto ng asawa. Bahagyang nakabukas ng kaunti ang pinto nito. Hindi niya tuloy alam kung bumaba na ba si Gian o hindi pa. Sabagay, wala naman siyang karapatan. Iyon ang paulit-ulit na sinusulat ni Gian sa utak niya.“Nanang? Si Gian po pala, bumaba na ba?” walang gana niyang tanong sa ginang na kasalukuyang nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.“Nako Ma’am, si Sir Gian po, maagang umalis. Hindi na naman nagpaalam sa inyo?” sagot nito at inilagay ang tinimpla nitong kape sa mesa.Na naman? Bulong niya. Pag-uwi no’n may dala na namang lalaki
Eighteen red roses, eighteen candles.Debut ni Vanessa ngayon, araw na inaabangan niya, araw na inaabangan ng lahat. Kulang ang salitang kaligayahan kung iyon ang ihahalintulad sa nararamdaman ni Vanessa. Pakiramdam niya, parang nakalutang siya sa ulap.A dream birthday party. A venue with full of pink balloons, a baby pink lights mixed with white lights that covers the whole venue, a sweet music that hugged each person in the venue, rose petals envelopes the whole carpet, a big chandelier and a huge birthday cake.She released a smile, her pure black eyes that saying she was really surprised. Isa lang naman ang nakakaalam sa dream birthday party niya — si Gian, his ultimate one and only crush, wala ng iba.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong venue, all her friends was there, witnessed her dream birthday party. Party na siyang pinapangarap niya talaga. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan ng bahay nila, sa bahay kasi nila isinagawa ang party niya pero hindi na iyon namistulang
MAG-ISANG hinarap ni Vanessa ang computer, as usual nasa computer laboratory siya ng department nila. Dito siya palaging tumatambay magmula no’ng nagsimula ang kalbaryo niya. One week na ang matuling lumipas nang pumuntang Isla Berde ang chismosa niyang pinsan na si Mae.Do’n na raw ito titira sa lugar ng Lola nito sa mother side. Hindi pa siya nakakatapak sa islang iyon pero base sa mga kuwento ni Mae, napakaganda ng islang ‘yon. Breathtaking. Pero dahil sa isang aksidente, hindi na niya alam kung may balak pa ba siyang pumunta sa islang iyon. Aksidente na ayaw na niyang maalala pa.Ngayon ay mag-isa niyang itataguyod ang research paper na sinimulan nilang dalawa ng pinsan niya. Nakaramdam siya ng panghihinayang, graduating na sila pero saka pa nagkaganito ang pinsan niyang chismosa. Wala talaga eh, hindi natin hawak ang lahat ng maaaring mangyari.Bumukaka ba naman kasi at hindi gumamit ng kung anong contraceptives o kahit withdrawal na lang sana. Dios mio! Kaya dumadami ang populas







