Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2025-12-12 18:16:40

NAALIMPUNGATAN si Vanessa dahil kahit ang lalim na ng gabi na ay sobrang init pa rin sa kuwarto niya. Bago pa nga siya nakatulog kagabi ay nagtabi pa siya ng pamaypay para kahit kunti man lang ay mabawasan ang init sa kuwarto niya. Idagdag pa ang matigas niyang higaan na dinaig pa ang bato, sobrang nakakasakit iyon sa likod. Hindi niya talaga alam kung paano siya nakatiis sa ganitong setup.

Nag change position si Vanessa at muling pumikit, umaasang dadalawin ulit siya ng antok pero kasama yata niya palagi ang malas, naging malikot ang antok kay Vanessa at hindi na siya muling dinalaw pa.

Nagpasya siyang lumabas ng kuwarto, kung minamalas naman kasi, sa buong bahay na ito ang kuwarto niya lang ang walang air-con. Ganyan kasama ang ugali ng asawa niya. Ewan, para yatang kapatid ni Gian si Satanas. Kulang na lang talaga, tubuan ng sungay si Gian, eh. Napailing si Vanessa, katulong nga tayo diba?

‘Yong kwarto kaya ni Nanang, may air-con kaya? Tanong niya sa sarili.

Nagsuot siya ng tsinilas at kinuha ang unan at kumot niya. Sa sofa na lang siya matutulog. Hindi talaga siya komportable sa silid niya. Matigas na, mainit pa. Bakit kasi kung kailan pa siya nag-asawa, saka pa siya nawalan ng air-con! Nasaan ang hustisya? Bakit tila nilalayuan siya?

Inilagay niya sa sofa ang dala niyang kumot at unan. Nagpunta muna siya sa kusina para magtimpla ng gatas para kahit pa paano ay dalawin siya ng antok.

She saw Klenth, ang lalaki ng asawa niya na dinaig pa ang malanding pusa sa kalandian. Klenth was typing something on his laptop. Lumapit siya sa lalaki. “So, kamusta ang bayag ni Gian? Buo pa ba?” tumatawa niyang tanong sa lalaki.

Huminto siya upang tingnan kung anong pinagkakaabalahan nito. Gumagawa ito ng PowerPoint, marahil report ng lalaki iyon.

“Maitim pa rin,” sagot nito sa kaniya. “Bakit gising ka pa?” Klenth added.

Nagkibit-balikat siya. “Naalimpungatan lang.”

Napatango-tango ang lalaki. “I see.” Binalik nito ang tingin sa laptop at nagsimulang mag-type ulit.

“You want coffee?” tanong niya rito. Para namang mabait itong nabingwit ni Gian, pero don’t judge the book by it’s cover nga ‘di ba? Baka nagbait-baitan lang ito. Like duh? Mabait lang sa unang tingin.

At isa pa, kasing-edad niya lang ang lalaki. Akala ko ba ayaw niya sa mas bata? Look who’s lying? Singit ng utak niya. Gusto naman pala ng mas bata, ‘di na lang nagsabi sa ‘kin, madali lang naman akong kausap eh.

She rolled her eyes in so much disgust. Nag-iba na yata ang taste ng asawa niya o kaya ang ayaw lang nito ay batang babae? Sabagay gusto nito ng sundalo, hindi kuweba.

She secretly smile on the thought.

“Yes, please. Black coffee. Thank you agad,” Klenth answered.

“Mahilig ka talaga sa maiitim eh ‘no?” tanong niya habang kumukuha ng tasa para sa kanilang dalawa. “Kaya pati bayag ni Gian, dinamay mo.”

“Kunti lang naman.” Tipid nitong sagot sa tanong niya. Tumingin ito sa tasa na nilapag niya sa mesa.

Ano ba naman ‘yan, ang tipid-tipid sumagot. Ang pangit. Akala ko pa naman, okay pumili ang asawa ko, bulong niya. Kasi kung siya ang papipiliin, mas gusto niya iyong medyo maingay. Parang si Gian lang dati.

Gian na naman. Puro na lang Gian, Gian.

Pagkatapos niyang magtimpla ay nilagay na niya sa mesa ang kape nito at umupo siya sa katabing upuan ng lalaki.

“`Nga pala, anong course mo?” tanong niya pagkalipas ng ilang minuto. Lumingon ito sa kaniya at uminom sa tinimpla niyang kape.

“Electrical Engineering. How about you?”

Wow, future engineer, mangha niyang wika sa sarili.

“Education. Future teacher pero kung hindi papalarin, future mo na lang,” natatawa niyang sagot sa lalaki. Samahan natin ng kunting landi, akala siguro ni Gian siya lang ang marunong ha?

“Medyo, malandi ka sa part na ‘yan girl,” Klenth answered while using gay voice. What the fuck! Girlalu rin ang isang ito? Engineering student na bakla? Seryoso?

“Halaka, bakla ka rin?” gulat niyang tanong.

Napahalakhak ito. “Ikaw naman, hindi ka naman mabiro. Straight ako.”

Okay, deny pa. Kinuha niya ang cup ng gatas niya at hinipan iyon. “Mabuti naman kung gano’n.”

Sabi mo eh.

Bakit kaya ang dami ng girlalu ngayon ‘no? Tanong niya sa sarili. Tapos ang malala pa, halos lahat guwapo, dagdag niya. Kung mag tomboy na lang din kaya siya? Erase, erase.

“By the way, hindi ako naniniwalang maid ka ni Kuya Gian. Ano ka ba niya?” Seryoso itong tumingin sa kaniyang mga mata. Medyo light brown ang mga mata ng lalaki, same sa mga mata ng bakla niyang asawa. Gian na naman.

“Ano ba sa tingin mo?” balik tanong niya rito at nakipagtitigan sa mga light brown nitong mata. “Eh ikaw, boyfriend ka ba ni Gian? I mean, boyfriend ka ba ni Janine? O isa sa mga boyfriend niya? No offense ha? Baka kasi hindi mo alam pero maraming lalaki iyang si Gian.” Itinaas pa niya ang kaniyang mga kamay para ipakita sa lalaki. “Hindi na nga mabilang sa mga daliri ko eh. As in, gano’n karami.”

Uminom siya sa kaniyang gatas, narinig niya itong tumawa. Goodness, the way this man laughs, naiimagine niya ang asawa niya. Parang gusto niya na lang talagang hilingin na sana straight na lalaki na lang ang asawa niya para wala ng problema.

“Hoy, totoo ‘yon. Hindi ako nagbibiro.” Giit niya. “Hindi ko rin sinisiraan ‘yang boyfriend mo,” dagdag pa niya na mas lalong ikinatawa nito. “Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Seryoso kaya ako.”

“I can’t help but to laugh, Miss,” natatawa nitong sabi sa kaniya. “Really? As in for real? Napagkamalan mo akong boyfriend ni Kuya Gian? Jesus! I can’t believe this.”

“Kuya? Kuya mo si Gian?” Siya naman ang nagulat sa sinabi ni Klenth sa kaniya.

Umayos ng upo ang binata at uminom ng kape na tinimpla niya bago siya muling hinarap. Tumango ito sa kaniya.

“Kuya Gian is my third degree cousin. Medyo malayo na pero close pa rin kami. Sa Butuan kasi may compound doon na exclusive lang sa side ng mga Saldivar at sa iisang compound lang kami lumaki ni Kuya. Though, malayo ang gap namin pero hindi naman naging disadvantage ‘yon. In fact, mas close nga kami eh.”

Oh, goodness. For Christ’s sake, mali na naman ang instinct ko. Kunti na lang talaga hindi na ko maniniwalang may utak pa ko sa lagay na ‘to.

“But still, hindi ako maka get over sa sinabi mong boyfriend ako ni Kuya ha?” Klenth chuckled for the nth time around.

“Tawa ako ng tawa pero hindi ko pa pala alam ang pangalan mo. What’s your name again, honey?” tanong ni Klenth ng mahimasmasan. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ni Vanessa na tinawag siya ng binata ng ‘honey’. Akala siguro nito, bubuyog siya.

Kung si Gian lang siguro ang nagsabi no’n hinimatay na siya sa kilig at naglulupasay pa, pero hindi eh. Kaya deadma, patay malisya.

“Ginawa mo kasi akong clown, loko-loko ka.” She rolled her pure black eyes.

“I like it when you do that,” he said.

“Ang alin?” taka niyang tanong kay Klenth.

“Ahm, nothing.” Pilit itong ngumiti. “So, ano ngang pangalan mo?” tanong ulit nito.

“Vanessa Alvarez-Saldivar,” sagot niya sa lalaking kasalukuyang umiinom ng kape. Tumaas ang kilay nito. “You heard it right, asawa ako ng Kuya Gian mo.” She raised her eyebrows. Nang marinig nito ang sinabi niya, nabuga nito ang hinigop nitong kape.

Natawa siya sa reaction ni Klenth sa sinabi niya. Marahil, hindi nito inaasahan na sasabihin niya iyon. Sabagay, kahit sino magugulat talaga kapag nalamang asawa siya ng isang fashion designer at teacher na si Gian Saldivar.

“What the fuck!” mura ni Klenth. “My god! Ang laptop!” sigaw nito nang makitang ang binuga nitong kape ay diritso sa laptop nito.

‘Yan ang napapala sa mga lalaking malalandi! May pa honey-honey ka pa.

“My goodness! Help me Van, laptop ito ni Kuya!”

Tumayo siya at kinuha ang gatas niya. “Have a good night, Klenth.”

Parang ayoko na sa mga engineer. Change taste tayo balae, bulong niya sa sarili.

NAPABALIKWAS agad siya ng bangon nang yakapin siya sa mukha ng malamig na tubig. Galing yatang ref ang tubig na iyon. Agad siyang napahilamos.

“Sinong puntang-inang nagbuhos ng tubig sa mukha ko! Sino!” sigaw niya pero nakapikit pa rin at patuloy sa pagpunas sa nabasang mukha niya gamit ang kaniyang mga kamay.

Muli siyang binuhusan ng tubig sa mukha ng kung sino mang mapangahas na Poncho Pilato na iyon. Sumagi agad sa isip niya si Klenth, baka gumanti ito sa ginawa niya kagabi. Hindi naman niya kasalanan na nabuhusan ng kape ang laptop ng Kuya nito. Putang-ina talaga!

“Ano ba!” sigaw niya. Ang lamig kaya ng tubig! “Kung ikaw kaya ang buhusan ko ng kumukulong tubig!” sigaw niyang muli habang inabot ang kumot niya ipang pahiran ang kaniyang mukha. Gigil na gigil na ang pussy ko!

“Subukan mo.”

Agad siyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang boses na iyon ni Gian. Ano ba naman iyan, umagang-umaga sinisira na nito ang araw niya.

May hawak itong pitcher, iyon malamang ang nilagyan nito ng tubig na binuhos nito sa mukha niya. Marahas ang paghinga niya at matalim niya itong tiningnan. ‘Nak ng puta! Sino bang matutuwa kapag binuhusan ka ng malamig na tubig!

Come on, kalma Vanessa, kumalma ka. Pangungumbinsi niya sa sarili. Ay pisti! Dili na ni madala’g kalma! Sabi niya sa sarili gamit ang wikang bisaya.

“Ano bang problema mo, Gian?” galit na sigaw niya rito. Hindi pinansin ni Gian ang tanong niya rito. She rolled her eyes at kinuha ang unan niya at binato sa asawa. `Kala mo ha!

Sapol! Sharpshooter yata siya. Sa ulo ni Gian tumama ang binato niyang unan. Kung siya lang sana si Cinderella ay ang heel niya mismo ang ibabato niya rito.

Nakakainis din naman kasi, ang ganda-ganda kaya ng panaginip niya tapos ginising lang siya ng walang hiyang asawa niya. The worst is, malamig na tubig pa ang ginamit nito

.

She was dreaming about being a queen and her husband Gian is her king. Ang mas maganda pa ro’n, nasa isang kuwarto sila at inaangkin siya ng asawa niya in a passionate way. Kung minamalas ka nga naman talaga.

Lumingon si Gian sa kaniya. His light brown eyes envelopes so much anger. Salubong ang makakapal nitong kilay. “Did you just throw your pillow at me?”

Obvious ba? Gusto niya sanang itanong dito pero minabuti niya na lang na salirinin iyon. Mahirap na, baka kaladkarin na naman siya ng asawa niya.

“Pasalamat ka, unan lang ang binato ko sa’yo. Practice pa nga lang ‘yon eh,” mahina niyang bulong.

Sagad na sagad na talaga ang galit niya pero kailangang magtimpi. Tiis ganda, pabebe kasi itong asawa niya.

Padabog niyang dinampot sa sofa ang kumot niya. Kaya pala medyo nangalay itong leeg niya at medyo masakit, sa sofa nga pala siya natulog kagabi. Mas lalong nakaramdam siya ng galit nang maalalang ang init-init sa kuwarto niya kagabi. Buwesit talaga itong asawa niya, ang damot-damot.

Galit na hinarap niya ang lalaki at salubong ang dalawa niyang kilay. “Bakit mo ko binuhusan ng tubig?”

“Bakit mo ko binato ng unan?” pabalik na tanong nito sa kaniya at dinampot ang unan niyang binato niya rito.

“Ako ang naunang nagtanong kaya sagutin mo ‘ko!” galit na sigaw niya rito habang pinahiran muli ang mukha niya.

“Ako ang amo mo rito, Vanessa, kaya huwag mo akong utusan!” ganting sigaw din nito sa kanya.

She rolled her eyes again. Ang putangna, ginaya pa ang boses niya. Sinasagad talaga siya ni Gian. “Hindi kita inuutusan, tinatanong kita! Magkaiba ‘yon!” pumadyak pa siya na parang bata. “And one more thing, Gian, you’re not my boss. Asawa kitang bakla ka,” dagdag niya

.

“Kapal feslak mo teh! Hiyang-hiya ang beauty ko sa pinagsasabi mo. God! Wala akong asawang bratanillang tulad mo, kalerkey ka.” Parampa itong umalis sa sala at iniwan siya.

What the fuck! Lihim na naman siyang napamura sa inakto ng asawa niya. Para itong manok na nagpuputak-putak.

Ano ba naman itong kamalasan niya sa buhay? Pighati na naman? Kairita!

Ano bang nagawa niyang kasalanan dati at tila ba sobra naman yata itong naging karma niya. Like hello? Bakit bading itong si Gian?

Pumadyak si Vanessa dala ng iritasyon niya. Parang ang sarap sabunutan ni Gian at ilapit ang mukha nito sa kuweba niya upang maging straight na lalaki.

“Kairita!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 11

    DAHAN-DAHAN niyang pinagapang ang kamay sa may bandang tiyan niya pataas sa umbok niyang dibdib. Rumaramdam, pumipisil, at dumadama. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. She just feel that she really need to do this. Kasi kung hindi, parang hindi siya kakalma.Umayos siya ng higa sa kama pagkatapos mahubad ang suot niyang manipis na nightgown. Tanging panty na lang niya ang natira sa katawan ni Vanessa. Inalis niya ang kumot sa kaniyang katawan, pakiramdam ni Vanessa ay sagabal lang iyon sa gagawin niya at dumadagdag iyon sa init na bumabalot sa kaniyang buong katawan. Mainit ang kaniyang pakiramdam.Dalawang araw na siya sa bahay nila pero walang Gian sumundo sa kaniya. Hindi sa nag-eexpect siyang kukunin at susunduin siya ng asawa pero… Okay fine! Umaasa talaga siya, hindi naman mali iyon ‘di ba? May karapatan naman siguro siyang umasa.Wala naman sigurong masama kung aasa si Vanessa. Baka naman sa loob ng limang buwan na pagsasama nila ay nakaramdam na ito ng kahit kunting

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 10

    HINDI na nagsayang pa ng oras at panahon si Vanessa. Matapos niyang marinig ang papalayong sasakyan ni Gian ay agad niyang pinahiran ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga mata na kahit ilang beses na niyang pinahiran ay ayaw pa ring tumigil sa pagtulo. Gulong-gulo ang isip niya at idagdag pang doble ang sakit na nararamdaman niya.Dahan-dahan siyang tumayo, humawak pa siya sa pader para maalalayan ang sarili. Palagay niya’y hindi niya kayang tumayong mag-isa, kailangan pa niyang may hawakan siya upang makatayo. Hinang-hina ang kaniyang pakiramdam, diin na diin ang pagkasaksak ni Gian gamit ang mga matatalim na salita.Nanginginig pa rin siya, nanginginig ang tuhod at bawat kalamnan niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito — awa, lungkot at sakit. Pero ang awa sa sarili ang mas nangingibabaw ngayon. Naaawa siya sa sarili dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya kayang patawarin ni Gian at sa hindi nito pagbigay ng panahon sa kaniya upang magpali

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 9

    SHE’S wearing a white halter neckline dress with a tie back. It’s a bonnie type and the length of her dress is an ankle level. A long dress that made her elegant and sophisticated. She’s wearing a back negligee necklace that make her neck so much adorable.For her toes, she’s wearing a black T-strap that hugged her feet in so much glamorous way. Lumilikha iyon ng tunog sa bawat yapak na ginagawa niya. She’s wearing a cheerful smile in her heart shape lips that also wears a light pink lipstick.Makintab ang shiny niyang buhok na hanggang baywang, naka-ponytail iyon at bagsak na bagsak. Kailangan pa niyang magpa-rebond para magaya ang buhok ng pinsan niyang si Sharon. Gusto lang niyang maging straight ang buhok niya kahit panandalian lang.Wala na siyang maramdaman na kaunting inggit sa halos perpekto na niyang pinsan. Na-realized niya kasi, bakit kailangan niyang mainggit? She’s unique in her own way. Wala siyang naiisip na dahilan para kainggitan pa ang pinsan.Mahal naman niya ang me

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 8

    WALANG gana siyang kinuha ang tinidor na nasa plato niya at tinusok iyon sa ham na hinanda ni Nanang Delia at nilagay sa sliced bread. Kanina pa siyang nakatulala at parang kinakausap ang tinapay kung kakainin ba niya o hindi. Hindi rin makitaan ng kung anong emosiyon ang mga mata niya. Mula nang lumabas siya ng kuwarto ay walang salitang lumabas sa bibig niya kahit kanina pa siya kinakausap ni Nanang Delia.Tumingala siya at sinulyapan ang kuwarto ng asawa. Bahagyang nakabukas ng kaunti ang pinto nito. Hindi niya tuloy alam kung bumaba na ba si Gian o hindi pa. Sabagay, wala naman siyang karapatan. Iyon ang paulit-ulit na sinusulat ni Gian sa utak niya.“Nanang? Si Gian po pala, bumaba na ba?” walang gana niyang tanong sa ginang na kasalukuyang nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.“Nako Ma’am, si Sir Gian po, maagang umalis. Hindi na naman nagpaalam sa inyo?” sagot nito at inilagay ang tinimpla nitong kape sa mesa.Na naman? Bulong niya. Pag-uwi no’n may dala na namang lalaki

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 7

    Eighteen red roses, eighteen candles.Debut ni Vanessa ngayon, araw na inaabangan niya, araw na inaabangan ng lahat. Kulang ang salitang kaligayahan kung iyon ang ihahalintulad sa nararamdaman ni Vanessa. Pakiramdam niya, parang nakalutang siya sa ulap.A dream birthday party. A venue with full of pink balloons, a baby pink lights mixed with white lights that covers the whole venue, a sweet music that hugged each person in the venue, rose petals envelopes the whole carpet, a big chandelier and a huge birthday cake.She released a smile, her pure black eyes that saying she was really surprised. Isa lang naman ang nakakaalam sa dream birthday party niya — si Gian, his ultimate one and only crush, wala ng iba.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong venue, all her friends was there, witnessed her dream birthday party. Party na siyang pinapangarap niya talaga. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan ng bahay nila, sa bahay kasi nila isinagawa ang party niya pero hindi na iyon namistulang

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 6

    MAG-ISANG hinarap ni Vanessa ang computer, as usual nasa computer laboratory siya ng department nila. Dito siya palaging tumatambay magmula no’ng nagsimula ang kalbaryo niya. One week na ang matuling lumipas nang pumuntang Isla Berde ang chismosa niyang pinsan na si Mae.Do’n na raw ito titira sa lugar ng Lola nito sa mother side. Hindi pa siya nakakatapak sa islang iyon pero base sa mga kuwento ni Mae, napakaganda ng islang ‘yon. Breathtaking. Pero dahil sa isang aksidente, hindi na niya alam kung may balak pa ba siyang pumunta sa islang iyon. Aksidente na ayaw na niyang maalala pa.Ngayon ay mag-isa niyang itataguyod ang research paper na sinimulan nilang dalawa ng pinsan niya. Nakaramdam siya ng panghihinayang, graduating na sila pero saka pa nagkaganito ang pinsan niyang chismosa. Wala talaga eh, hindi natin hawak ang lahat ng maaaring mangyari.Bumukaka ba naman kasi at hindi gumamit ng kung anong contraceptives o kahit withdrawal na lang sana. Dios mio! Kaya dumadami ang populas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status