Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-12-13 18:52:26

MAG-ISANG hinarap ni Vanessa ang computer, as usual nasa computer laboratory siya ng department nila. Dito siya palaging tumatambay magmula no’ng nagsimula ang kalbaryo niya. One week na ang matuling lumipas nang pumuntang Isla Berde ang chismosa niyang pinsan na si Mae.

Do’n na raw ito titira sa lugar ng Lola nito sa mother side. Hindi pa siya nakakatapak sa islang iyon pero base sa mga kuwento ni Mae, napakaganda ng islang ‘yon. Breathtaking. Pero dahil sa isang aksidente, hindi na niya alam kung may balak pa ba siyang pumunta sa islang iyon. Aksidente na ayaw na niyang maalala pa.

Ngayon ay mag-isa niyang itataguyod ang research paper na sinimulan nilang dalawa ng pinsan niya. Nakaramdam siya ng panghihinayang, graduating na sila pero saka pa nagkaganito ang pinsan niyang chismosa. Wala talaga eh, hindi natin hawak ang lahat ng maaaring mangyari.

Bumukaka ba naman kasi at hindi gumamit ng kung anong contraceptives o kahit withdrawal na lang sana. Dios mio! Kaya dumadami ang populasyon sa bansang ito eh, ang daming unwanted pregnancy.

Isa lang ang masasabi niya, ligtas ang may alam!

Matindi siyang umiling, ano ba naman kasi iyan? Problema ni Mae ay pinoproblema niya rin. Samantalang ang dami niya rin namang hinaharap na problema. Muli siyang umiling at madiin na pumikit.

Malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Vanessa at nagdilat saka nagbukas ng F******k account niya. Hay nako Vanessa! Kaya hindi matapos-tapos itong ginagawa mo eh, panay landi ka kasi kay F******k. And then what? Anong mapapala mo? Diba wala? Makakasagap ka lang ng kung ano-anong issue. Tapos ano pa? Another problem na naman kasi na-stock ka sa thesis? Isip-isip din naman kasi, pangaral ng matinong utak niya. Paminsan-minsan naman ay tumitino ang utak niya kahit papano.

She was about to log-out her F******k account and close the website pero nahagilap ng mga mata niya ang isang picture na kuha pa no’ng kasal ng Ate Sharon niya at ni Sir Lloyd.

Picture iyon ng Ate Sharon niya na naka peace sign at ng lalaking mabaho ang amoy ng kilikili. Don’t tell me, close sila ni Ate? Gulat niyang tanong sa sarili. Pinipikit-pikit pa niya ang mga mata baka sakaling magbago ang anyo ng nasa picture but she failed. Again.

“Ito na ba ang sign na may gusto sa akin ang isang Alvarez?” Halos tumalon siya sa gulat nang marinig ang linya na ‘yon. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya at ibang ritmo na ang sinusunod niyon. Sino bang hindi magugulat do’n? Narinig lang naman niyang nagsalita sa likuran ang lalaking tinitingnan niya sa picture.

Kung minamalas ka nga naman. Napalabi si Sharon, kailan ba naman kasi siya hinalikan ng suwerte?

Narinig niya itong tumikhim bago nagsalita ulit. “Well, silence means yes.” Tumawa pa ito sa likuran niya. She raised her eyebrows. “Guwapo ako diyan no? ‘Di bale, nag rexona ako kaya mabango na ang kilikili ko.”

She rolled her eyes, angatan ba ito ng sariling bangko? Nilingon niya ang lalaki at tinaasan ng isang kilay. “Kabute ka ba?”

“Bakit?” A grin form in his lips.

Tumawa siya. “Hindi ‘yon pick-up lines, tanga.”

Napahalakhak ang lalaki dahil sa sinabi niya. “Ang arte mo talaga.” Nakanguso nitong sabi at umupo sa tabi niya. “Ay, wait lang. Magpapa-update lang ako. Hindi ko na kasi ma-open ang account ko sa comlab,” saad nito bago lumapit sa staff na naka-assign sa computer laboratory ng department nila.

Tinatanong ko ba? Gusto niya sanang barahin ito pero ‘di na lang niya ginawa. Nakakatawa kasi hindi umaandar ang taray niya sa lalaki.

Bumalik ang atensiyon niya sa monitor at binasa ang pangalan ng nag-post ng picture. Alex David Fuentes, pagbasa niya.

Ngayon palang pumasok sa utak niya na kaibagan niya pala ito sa F******k. Bakit kaya hindi niya maalala na nag-accept siya ng mabaho ang kilikili?

“Guwapong-guwapo ka sa ‘kin, ‘no? Aminin mo na kasi, ‘wag mo na kasing i-deny. ‘Di naman ako magagalit eh,” sabi ni Alex nang madatnan siya nitong tinitingnan pa rin ang picture. Napaismid siya, para talagang kabute eh, kung saan-saan sumusulpot. Hinarap niya ito at inirapan.

“Alex David Fuentes pala ang pangalan mo?” marahan na tanong niya sa lalaki. Ngumiti ang lalaki sa kaniya saka tumango.

“It’s Alex Day-vid. Gano’n ang pronunciation. My God!” maarte nitong reklamo at hinampas pa siya sa balikat. “T-in-orture mo pa ang magandang pangalan ko,” dagdag pa nitong reklamo. Napanganga na lang siya.

“Gusto mo, Ey-lex pa ang pag-pronounce ko sa Alex? Ngayon sabihin mo kung sinong maarte sa ating dalawa?” she asked and Alex chuckled.

Umupo si Alex at inukupa ang katabi niyang computer, eh ang dami-dami namang available na ibang computer. Magrereklamo sana siya dahil ayaw niyang katabi ito pero ‘di na lang niya ginawa. Aakusahan na naman siya nitong maarte.

Nilagay ni Alex sa ilalam ang dark blue nitong bag at umayos ng upo pagkatapos. Pinagpagan pa nito ang slacks nitong suot na para bang nadapuan ng alikabok. Napangiwi siya, parang ito yata ang mas maarte sa kanilang dalawa. Iniling niya ang ulo.

Sa palagay niya’y nasa five feet and six inches ang height ng lalaki. Seriously Vanessa? Nagawa mo pa talagang sukatin ang height niya? May dala ka bang tape measure? Tudyo ng utak niya.

Pero in fairness, ang tangkad niya. Ka height niya ang asawa ko. She shook her head three times. Hindi dapat kino-compare ang asawa niya sa kahit sinong lalaki. Tsk!

“Anyways,” tawag pansin niya sa katabi. “Friend kayo ni Ate Sharon?” tanong niya. Kung pagbabasehan kasi ang litrato ng dalawa, halatang close ang mga ito.

“Maybe yes and maybe no. What do you think? Guess it. At bakit mo naman naitanong? Curious ka sa akin, ‘no? Yieeeh.” Humalakhak pa ito kaya mas lalo siyang nakaramdam ng inis.

“Seryoso kaya ako, anong nakakatawa ro’n?”

“Oh, well.” Tumikhim muna ito. “Sharon and I –”

“Gosh, don’t tell me, ex-boyfriend ka niya dati?” pagputol niya sa sasabihin pa sana nito na siya namang tinawanan ng lalaki.

“Yari tayo diyan, mahal, nagtanong ka pa kung may conclusion ka na pala.”

Inis niya pinaikot ang nga mata nang marinig ang salitang mahal. Mga lalaki talaga! “So ano nga?” atat niyang tanong.

“Co-writer ko si Sharon, ka-collab ko pa nga siya sa Hacienda Serie-”

“What the! Ikaw si Davina?” gulat niyang bulalas. Pinasadahan niya ito ng tingin, up and down. “Hindi halatang writer ka ha? Bakit Davina ang username mo? Akala ko talaga babae si Davina.”

Mas lalong tumawa ito. “Well, well, well. It looks like you’re one of my readers.” Pakindat-kindat pa ito sa kaniya.

“Hoy! Kapal! Kung hindi dahil kay Ate Sharon ay hindi ko babasahin ang works mo,” deny niya rito. Sa totoo lang, reader talaga siya nito.

“Edi, thank you Sharon!”

DALA ang limpak-limpak na bond paper ay muling tinahak ni Vanessa ang pathway papuntang computer laboratory ng kanilang department. Pasado alas-kuwatro na ng hapon kaya nagmamadali na siyang matapos itong paper works niya lalong-lalo na itong thesis niya.

Sobrang arte rin naman kasi itong mga instructors nila, alam na ngang tudo hirap na sila sa thesis, binigyan pa sila ng mga projects. Hindi yata naawa sa kanila, para bang hindi dumaan sa pagiging estudyante. Nakakairita man pero hindi na sila nag reklamo pa. Total, aalis na rin naman sila eh.

Nagmamadali siyang pumasok sa comlab. Kinuha niya sa bag ang kaniyang USB para ibigay sa isang staff. Magkakatipid kasi siya kung sa comlab siya magpapaprint. Wala kasing bayad as long as siya ang mag-po-provide ng bond papers na gagamitin niya. Yes, nagtitipid na siya.

“Name ng files?” tanong sa kaniya ng staff pagkatapos nito ma-insert ang USB niya sa laptop nito. Sinabi niya ang name ng file niya. Agad na nag-type ang staff pero tumingin din agad ito sa kaniya na nagtataka. “File not found, miss.”

“What? No. Baka wrong spelling lang po.”

“Try it, then.” Pinaharap nito sa kaniya ang laptop kaya sinubukan niyang i-search ang name ng file niya sa search tab. Pero labis ang pagtataka niya kung bakit wala talagang lumabas gaya ng sinabi sa kaniya ng staff. Bakit gano’n?

Kinakabahan siyang nag-browse sa mga files niya at umaasang makikita pa niya. Isang USB lang kasi ang ginamit niya upang i-save ang thesis, wala na siyang back-up.

Kung minamalas ka naman talaga eh. Inis niyang bulong sa sarili. Wala na siyang time upang magsimula ulit ng panibago dahil ngayon na ang last deadline upang mag-submit ng hard copy sa thesis adviser nila. God naman, help me please, hiling niya.

“Sigurado ka bang ito talaga ang USB na ginamit mo?” tanong sa kaniya ng staff. Pati boses ng kausap niya ang halatang kinakabahan din.

She nod. “Yes po, nasa bahay lahat ang ibang drive ko. Ito lang ang lagi kong dala-dala,” kinakabahan niya ring sagot sa staff.

“Na-corrupt yata ang files mo, miss,” malungkot nitong sabi. “Wala ka na bang ibang soft copy pa?” dagdag ng staff.

Napahawak siya sa sintido at napaupo, para siyang nawalan ng lakas dahil sa sinabi nito. Wala ng pag-asa, magsisimula na naman ba siya? Parang gusto na lang niyang umiyak at sumigaw sa iritasyon. Dios mio, anong gagawin niya? Gahol na siya sa oras.

Dahan-dahan niyang minasahe ang kaniyang sintido. Think, Vanessa. Think.

“Send mo sa ‘kin sa G***l.” Narinig niyang sabi ng isang studyante. Napalingon siya rito. “Para may back-up, incase.”

G***l, bulong niya. “Tama, sa G***l,” may pag-asa niyang sabi sa staff. “May draft ako sa G***l, Ma’am.”

Wala siyang sinayang na panahon. Agad siyang nag-add ng tab at nag browse. Buti na lang pala may na-i-draft siya kanina. Malaking tulong din pala ‘yon.

“Here na po,” nakangiti niyang sabi.

‘Buti na lang talaga. She feel relief. Muntikan na talaga ‘yon. Nagmamadali na ang staff na i-print ang research paper niya.

MARAHAN niyang minasahe ang kaniyang kaliwang binti, na-stress siguro kakalakad niya kanina.

Ang sosyal naman iyang binti mo balae, stress talaga? Singhal ng utak niya. Napahalakhak siya sa naisip.

Hinubad niya ang kaniyang doll shoes para makahiga na siya sa kaniyang napakatigas na kama. Mabuti na lang talaga nakahabol siya sa submission ng thesis kanina, hindi madaling maghabol ng deadline ha? Lalong-lalo na kapag sabay-sabay ang deadline ng mga projects. At ang mas malala pa, iniwan pa siya ng partner niya. Double kill.

May nabalitaan siya na wala ng defense na magaganap daw dahil kulang na sila sa oras. Hindi niya alam kung dapat ba niya iyong ikatuwa at ipagpasalamat o hindi. May part na nanghihinayang siya dahil ilang araw pa naman siyang nag-practice pero nakakatakot din naman kasi mag-isa siyang sasabak sa gyera pag nagkataon.

Minasahe niya ang kaniyang ulo nang makahiga na siya sa kama. Nakaka-stress talaga maging graduating student. Hay! Stress, layuan mo kaya ako. Ayoko na sa’yo. Let’s break-up. Nakakasawang mahalin ka. Alam mo? Bakit ‘di kayo magsama ni Gian? Madramang litanya niya. Kung may makakarinig sa kaniya, isiipin talaga na nababaliw na siya.

“Ang sakit talaga nito sa likod,” reklamo niya at tinutukoy ang matigas na higaan.

Kinuha niya ang isang unan at niramdam ang lambot niyon. Mabuti pa ang unan niya, soft. Natawa siya sa naisip. Sabagay, soft din naman si Gian eh. Sa sobrang soft ng asawa niya, ayon girlalu na. Napahalakhak siya.

Niyakap niya ang unan at pumikit.

Hindi ito ang hiniling niyang buhay. Ni sa buong buhay niya ay hindi siya nangarap na maging asawa ng isang bakla. Ang gusto lang naman niya ay maging kaniya si Gian, pero bakit may pasobra? Anong akala niyo kay Gian? Rebisco?

“Ang sarap ng feeling ko.” Kinanta pa niya ang theme song ng Rebisco.

“Sa Rebisco ba talaga ‘yon?” natatawa niyang tanong.

“Parang hindi eh, mali pa nga yata ang lyrics,” dagdag niya.

Umayos na siya ng higa habang kayakap ang isang unan niya. Iisipin na lang niya na si Gian ang kayakap niya. Hanggang imagine na lang talaga siya. Kahit lumapit lang siya sa asawa niya ay kumukulo na agad ang berdeng dugo no’n.

Gusto niyang ibalik ang dati. Ang dating Gian na hindi mainitin ang ulo na pa-chill-chill lang. Ang Gian na inaalagaan siya at ang Gian na parang kapatid niya.

Tama nga sila na ang pagsisisi ay laging nasa huli. Yes, nagsisisi na siya. Hindi naman niya inakalang magiging ganito ang takbo ng istorya niya. Akala niya kasi magiging ayos lang ang lahat.

Natawa siya, akala lang niya pala ang lahat. Mapait siyang bumuntong hininga. Sorry, God.

Akala ko ba Vanessa wants, Vanessa gets? Tukso ng utak niya. Hindi na yata siya si Vanessa Alvarez na nakukuha ang lahat. Isa nalang ang gusto niya eh, si Gian Saldivar lang at wala ng iba. Pero bakit hindi pa niya makuha?

Karma na ba talaga ‘to? Ito na ba ang kabayaran sa lahat ng katigasan ng ulo niya dati? Ito na ba ang kabayaran sa mga hindi niya pagsunod sa kanyang Daddy?

She released a deep breath. Sa tingin ko, oo ito na nga.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 11

    DAHAN-DAHAN niyang pinagapang ang kamay sa may bandang tiyan niya pataas sa umbok niyang dibdib. Rumaramdam, pumipisil, at dumadama. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. She just feel that she really need to do this. Kasi kung hindi, parang hindi siya kakalma.Umayos siya ng higa sa kama pagkatapos mahubad ang suot niyang manipis na nightgown. Tanging panty na lang niya ang natira sa katawan ni Vanessa. Inalis niya ang kumot sa kaniyang katawan, pakiramdam ni Vanessa ay sagabal lang iyon sa gagawin niya at dumadagdag iyon sa init na bumabalot sa kaniyang buong katawan. Mainit ang kaniyang pakiramdam.Dalawang araw na siya sa bahay nila pero walang Gian sumundo sa kaniya. Hindi sa nag-eexpect siyang kukunin at susunduin siya ng asawa pero… Okay fine! Umaasa talaga siya, hindi naman mali iyon ‘di ba? May karapatan naman siguro siyang umasa.Wala naman sigurong masama kung aasa si Vanessa. Baka naman sa loob ng limang buwan na pagsasama nila ay nakaramdam na ito ng kahit kunting

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 10

    HINDI na nagsayang pa ng oras at panahon si Vanessa. Matapos niyang marinig ang papalayong sasakyan ni Gian ay agad niyang pinahiran ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga mata na kahit ilang beses na niyang pinahiran ay ayaw pa ring tumigil sa pagtulo. Gulong-gulo ang isip niya at idagdag pang doble ang sakit na nararamdaman niya.Dahan-dahan siyang tumayo, humawak pa siya sa pader para maalalayan ang sarili. Palagay niya’y hindi niya kayang tumayong mag-isa, kailangan pa niyang may hawakan siya upang makatayo. Hinang-hina ang kaniyang pakiramdam, diin na diin ang pagkasaksak ni Gian gamit ang mga matatalim na salita.Nanginginig pa rin siya, nanginginig ang tuhod at bawat kalamnan niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito — awa, lungkot at sakit. Pero ang awa sa sarili ang mas nangingibabaw ngayon. Naaawa siya sa sarili dahil hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya kayang patawarin ni Gian at sa hindi nito pagbigay ng panahon sa kaniya upang magpali

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 9

    SHE’S wearing a white halter neckline dress with a tie back. It’s a bonnie type and the length of her dress is an ankle level. A long dress that made her elegant and sophisticated. She’s wearing a back negligee necklace that make her neck so much adorable.For her toes, she’s wearing a black T-strap that hugged her feet in so much glamorous way. Lumilikha iyon ng tunog sa bawat yapak na ginagawa niya. She’s wearing a cheerful smile in her heart shape lips that also wears a light pink lipstick.Makintab ang shiny niyang buhok na hanggang baywang, naka-ponytail iyon at bagsak na bagsak. Kailangan pa niyang magpa-rebond para magaya ang buhok ng pinsan niyang si Sharon. Gusto lang niyang maging straight ang buhok niya kahit panandalian lang.Wala na siyang maramdaman na kaunting inggit sa halos perpekto na niyang pinsan. Na-realized niya kasi, bakit kailangan niyang mainggit? She’s unique in her own way. Wala siyang naiisip na dahilan para kainggitan pa ang pinsan.Mahal naman niya ang me

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 8

    WALANG gana siyang kinuha ang tinidor na nasa plato niya at tinusok iyon sa ham na hinanda ni Nanang Delia at nilagay sa sliced bread. Kanina pa siyang nakatulala at parang kinakausap ang tinapay kung kakainin ba niya o hindi. Hindi rin makitaan ng kung anong emosiyon ang mga mata niya. Mula nang lumabas siya ng kuwarto ay walang salitang lumabas sa bibig niya kahit kanina pa siya kinakausap ni Nanang Delia.Tumingala siya at sinulyapan ang kuwarto ng asawa. Bahagyang nakabukas ng kaunti ang pinto nito. Hindi niya tuloy alam kung bumaba na ba si Gian o hindi pa. Sabagay, wala naman siyang karapatan. Iyon ang paulit-ulit na sinusulat ni Gian sa utak niya.“Nanang? Si Gian po pala, bumaba na ba?” walang gana niyang tanong sa ginang na kasalukuyang nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa.“Nako Ma’am, si Sir Gian po, maagang umalis. Hindi na naman nagpaalam sa inyo?” sagot nito at inilagay ang tinimpla nitong kape sa mesa.Na naman? Bulong niya. Pag-uwi no’n may dala na namang lalaki

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 7

    Eighteen red roses, eighteen candles.Debut ni Vanessa ngayon, araw na inaabangan niya, araw na inaabangan ng lahat. Kulang ang salitang kaligayahan kung iyon ang ihahalintulad sa nararamdaman ni Vanessa. Pakiramdam niya, parang nakalutang siya sa ulap.A dream birthday party. A venue with full of pink balloons, a baby pink lights mixed with white lights that covers the whole venue, a sweet music that hugged each person in the venue, rose petals envelopes the whole carpet, a big chandelier and a huge birthday cake.She released a smile, her pure black eyes that saying she was really surprised. Isa lang naman ang nakakaalam sa dream birthday party niya — si Gian, his ultimate one and only crush, wala ng iba.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong venue, all her friends was there, witnessed her dream birthday party. Party na siyang pinapangarap niya talaga. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan ng bahay nila, sa bahay kasi nila isinagawa ang party niya pero hindi na iyon namistulang

  • Chasing the Arrogant Instructor (Tagalog Version)   Chapter 6

    MAG-ISANG hinarap ni Vanessa ang computer, as usual nasa computer laboratory siya ng department nila. Dito siya palaging tumatambay magmula no’ng nagsimula ang kalbaryo niya. One week na ang matuling lumipas nang pumuntang Isla Berde ang chismosa niyang pinsan na si Mae.Do’n na raw ito titira sa lugar ng Lola nito sa mother side. Hindi pa siya nakakatapak sa islang iyon pero base sa mga kuwento ni Mae, napakaganda ng islang ‘yon. Breathtaking. Pero dahil sa isang aksidente, hindi na niya alam kung may balak pa ba siyang pumunta sa islang iyon. Aksidente na ayaw na niyang maalala pa.Ngayon ay mag-isa niyang itataguyod ang research paper na sinimulan nilang dalawa ng pinsan niya. Nakaramdam siya ng panghihinayang, graduating na sila pero saka pa nagkaganito ang pinsan niyang chismosa. Wala talaga eh, hindi natin hawak ang lahat ng maaaring mangyari.Bumukaka ba naman kasi at hindi gumamit ng kung anong contraceptives o kahit withdrawal na lang sana. Dios mio! Kaya dumadami ang populas

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status