Nasa police station na si Lean sa mga oras na iyon at diretsong nakatitig lamang sa police officer na nasa harapan niya."Uulitin ko sa inyong lahat, hindi kilala ang mga taong isinasangkot niyo saakin. Isa pa, wala akong ugnayan sa kanila. Sa sinasabi niyo naman kung paano nila nakuha ang private boat namin ay hindi ko alam. Hindi ko naman nababantayan ang pag-aari namin ng 24/7 at nakadaong lang iyon sa tabi ng pier. Kung gusto niyo talaga malaman ang totoo, hanapin niyo ang kapitan ng speed boat at siya ang imbestigahan niyo.""Ma'am, hinuli na rin namin ang kapitan ng spped boat at mag-iimbestiga rin kami. Pero ikaw ang itinuturo ng mga kidnappers na nag-utos sa kanila. Please expalin yourself."Napaigting panga si Lean. "Hindi ba nagpaliwanag na ako. Hindi ko sila kilala. Wala rin akong ideya kung bakit ako ang idinidiin nila. If I were you, mag-iimbestiga ako nang mabuti. Wala rin akong anumang galit sa bata kaya paano niyo maipapaliwanag kung ano ang motibo ko para saktan siya?
Huling Na-update : 2026-03-02 Magbasa pa