“Gising na siya?”Natigilan si William, halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig.Bigla ring huminto ang pag-iyak ni Menchie. May bakas ng pagkagulat at takot na dumaan sa kanyang mukha, ngunit agad niya itong tinakpan ng pag aalala.“Talaga po?” tanong niya, pilit na pinapakalma ang sarili. “Nurse, nasaan po siya?”"Opo, nagising na siya, "tugon ng nurse, "kaninang madaling araw, nagising na siya at dahil maayos na naman ang kanyang vital signs, inilipat na po siya sa private room upang maobserbahan ng maayos ng mga doctor."'Nagising na siya…Talagang nagising si Tita Azon…'Tila nanlalambot ang tuhod ni William. Ilang sandali siyang hindi nakapagreact dahil sa magandang balitang kanyang natanggap.Sa loob ng maraming taon, nasanay na siyang makita si Azon, na nakahiga lang sa kama na tila ba lantang gulay.. Sa kaibuturan ng kanyang puso, matagal na niyang tinanggap ang mga posibilidad na mangyayari.. na hindi na ito magigising, at posibleng mamatay ng tuluyan.."Gising na ang ma
Terakhir Diperbarui : 2026-01-02 Baca selengkapnya