Kumilos ang kanyang mga labi, halos mailabas ang magaspang na mga salita, ngunit pinilit niyang lunukin ang mga iyon. Hindi niya iyon kayang sabihin. Talagang hindi. Masisira siya nito.Matapos ang matindi at nakakaipit na katahimikan, sa wakas ay pumutok ang tinig ni Erol sa katahimikan. “Erin, pagkatiwalaan mo ako sa pagkakataong ito… sa pagkakataong ito lang.”Huminga nang malalim si Erin. Nangyayari na naman ang lahat. Tila ba, siya ay isang batang musmos na kailangang pagtaguan ng mga bagay bagay, at resolbahin iyon ng hindi man lang niya namamalayan.“Kuya, hindi na ako bata.”“Erin—”“Lahat ng ayaw mong sabihin sa akin,” pinutol niya, habang nagyeyelo ang kanyang puso, “malalaman ko rin sa sarili kong paraan.”Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kanyang kapatid. Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng lugar na iyon ng hindi man lang ito nililingon. Wala siyang planong makiusap dito dahil hindi naman ito sasagot.Mag-isa, ipinikit ni Erol ang kanyang mga mata. Biglang kumalabo
Última actualización : 2026-01-19 Leer más